ANG PAULENYO SY 2024-2025

ANG PAULENYO SY 2024-2025

Summary

Ang Paulenyo Sy 2024-2025 Balitang Komunidad

Mga Paulenyo, patuloy ang pagkawanggawa sa Sitio Mindanao Mindanao, Parada, Sta. Catalina, Ilocos Sur.

Ang mga mag-aaral ng Grade School Department ay nagdaos ng isang Community Extension Services Activity sa nasabing komunidad kung saan kanilang isinagawa ang Numeracy at Literacy Activity, Dishwashing Liquid at Sandwich Making, Proper Handwashing at Catechism sa mga bata sa lugar. Sa pamamagitan ng programang ito, natutunan ng mga mag-aaral ang responsibilidad at kahalagahan ng pagtulong sa kanilang komunidad at pamilya.

It's Coding Time! SDGs ng UN, binigyang halaga sa tulong ng Coding Education

Ang St. Paul College of Ilocos Sur inilunsad ang Aralinks Coding Education (ACE) para mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa teknolohiya at coding kasama ang pagbibigay-halaga sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations. Layunin ng programa na turuan ang mga mag-aaral tungkol sa coding at pagresolba ng mga isyu sa komunidad batay sa SDGs.

Perpormans ng mga mag-aaral sa Programang SRI

Napansin ang pagtaas ng kasanayan sa maunawang pagbasa at literasiya sa Scholastic Reading Inventory, kung saan tumaas ang bilang ng proficient students. Ang programa ay naglalayong mapataas at mapabuti ang resulta sa mga susunod na pagsusuri ng Program for International Student Assessment.

ANG PAULENYO SY 2024-2025 - Flipbook by Fleepit

© 2021 Fleepit Digital.
This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.