Mga Paulenyo, patuloy ang pagkawanggawa sa Sitio Mindanao Mindanao, Parada, Sta. Catalina, Ilocos Sur. ni MA. JANELE RABE “Napakagaan ng aking kalooban,” ito ang naging sambit ng isa sa mga mag-aaral ng Grade School Department matapos silang magdaos ng isang Community Extension Services Activity sa Sitio ESPESYAL NA ULAT Academic Intervention ng GS, mas pinalawig ni MONICA CABUENA Nagsagawa sila ng Numeracy at Literacy Activity, Dishwashing Liquid at Sandwich Making, Proper Handwashing at Catechism sa mga bata sa nasabing komunidad. Sa pakikilahok sa programang ito, hindi lamang nakabuo ang mga estudyante ng pakiramdam ng responsibilidad kundi natutunan din nila ang kahalagahan ng pagbabalik sa kanilang komunidad at magbigay ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan. IT’S CODING TIME! SDGs ng UN, binigyang-halaga sa tulong ng Coding Education ni MA. JANELE RABE Bilang hakbang tungo sa pagsusulong ng wastong kaalaman sa larangan ng teknolohiya at coding kasama na ang pagbibigay-halaga sa Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations (UN), inilunsad ng St. Paul College of Ilocos Sur ang Aralinks Coding Education (ACE) kung saan nakaangkla sa asignaturang agham. Pinaigting ngayong taong panuruan ang Remedial, Reinforcement & Enrichment Advancement Program o RREAP upang matugunan ang pangakademikong pangangailangan ng mga mag-aaral sa Grade School Department. Ito ay mas pinalawak at pinaigting na academic intervention program ng Grade School Department. sundan sa pahina 2 Layunin ng programa na matuto ang mga mag-aaral tungkol sa coding, isang proseso ng pagsulat at pagbuo ng mga instruksyon gamit ang isang tiyak na code upang maintindihan at maging epektibo sa kompyuter o sistema. Sa sakop ng ACE ay inaasahang mapalawak pa ang kaalaman sa pag-unawa at kakayahan ng mga mag-aaral sa SPCIS sa aspekto ng teknolohiya, gaya ng paggawa ng sariling website, information systems, management systems, at iba pa na kung saan magreresolba ng isang isyung pangkomunidad batay sa SDGs. Maaaring ang “project ACE” ng bawat mag-aaral ay isang informative, game-type, or kaya ay application type. Sa programang ito, ang bawat bata ay may sapat na kaalaman tungkol sa paraan paano magiging ang teknolohiya sa pagresolba ng isyung panlipunan. Nagbigay naman ng direktang direksiyon at mga hakbang sa coding ang ACE Facilitator na may karagdagang gabay rin ng mga guro sa Agham upang hindi maging abala ang daloy ng pagtuturo. Matatandaang isa sa kakayahan na dapat linangin ngayong 21st Century ng mga mag-aaral ang coding skill kasama na riyan ang problem solving, creativity at algorithm skills. Ang mga ito’y kailangang mahasa sa kanila upang makasunod sa nagbabagong pangangailan ng lipunan. “Naging malaking tulong ang Coding Education sa mga mag-aaral natin dahil nakatutulong ito upang mahasa ang kanilang problem-solving, creativity, at coding skills na kailangan ngayong 21st Century,” saad ni Bb. Kclyn Rabaca, ang GS Subject Team Leader sa Science. Sa pamamagitan ng ganitong programa, hindi magpapahuli ang SPCIS sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya sa edukasyon at pagresolba ng isyung panlipunan. ap angPAULENYO Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagang Filipino ng St. Paul College of Ilocos Sur Grade School Department Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno Hulyo 2024 - Disyembre 2024 Tomo VI | Bilang 01 “ Naging malaking tulong ang Coding Education sa mga mag-aaral natin dahil nakatutulong ito upang mahasa ang kanilang problem-solving, creativity, at coding skills na kailangan ngayong 21st Century. MS. KCLYN RABACA GS Subject Team Leader sa Science Perpormans ng mga mag-aaral sa Programang SRI kuha ni ARKIN AMPANAS 250 PROGRAMANG ‘SRI’ 200 Kasanayan sa maunawang pagbasa at literasiya, tumaas! 150 100 50 0 Below Basic Basic Proficient Advanced ni ANNABELLA DEIENE AVELINO Upang mapangasiwaan ang karunungan at kasanayan ng mga mag aaral ng St. Paul College of Ilocos Sur (SPCIS) sa pagbasa ng mga ito, inumpisahan na ang Scholastic Pretest ng Grade School sa Computer Laboratories. Bilang isa sa mga kahingian sa asignaturang Ingles ang Scholastic Reading Program, ang mga mag-aaral mula sa GS ay sumailalim sa isang pagtataya para malaman ang kanilang Lexile Score—batayan para sa karunungan ng mga mag-aaral na magbasa at magsulat. Ang kanilang Lexile Score ang kanilang magiging batayan upang matukoy ang angkop at naaayon na libro para sa kanila. Sa pamamahala ng mga guro sa nasabing asignatura kasama na ang school librarian, tinutukan ang kanilang pagganap at inalisa kung papaano pa ito mapabubuti. sundan sa pahina 3
02 angPaulenyo ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 BALITANG PAMPAARALAN ‘TAYO’Y MGA PINOY’ Katutubong kasuotan, mga bayani, kakaning Pinoy tampok sa Buwan ng Wika ni ANNABELLA DEIENE AVELINO Suot ang makukulay at naggagandahang mga baro’t saya at katutubong kasuotan, masigarbong ipinagdiwang ng Grade School Department ang pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Wika 2024, Agosto 30. Nagkaroon ng dalawang bahagi ang programa ng nasabing selebrasyon. Sa unang bahagi, ibinida ng mga representante ng bawat baitang ang rehiyon na kanilang ipinapakilala. Nagbigay rin sila ng mahahalagang impormasyon at buhay ng mga bayan sa kanyakanyang rehiyon. Nagbigay aliw naman si Eunna Alcain, mag-aaral ng ikalawang baitang ng isang awiting pinamagatang “Ako ay Pilipino”. Samantala, ang mga mag-aaral ng Preschool ay naghandog ng isang sayaw para sa mga nagsipagdalo. Sa ikalawang bahagi ng programa, nagkaroon ng salusalo ang mga magaaral at kanilang mga guro bida ang iba’t ibang kakaning Pilipino. Nagsagawa rin ng pagbebenta ng taho at sorbetes sa paaralan. kuha ni ARKIN AMPANAS Ikaanim na presidente ng SPCIS, pinangalanan na ni MONICA CABUENA Masayang sinalubong ng St. Paul College of Ilocos Sur ang bago nitong presidente sa ngalan ni Sr. Ma. Nilda Masirag, SPC kapalit ni Sr. Merceditas Ang, SPC. Matatandaan na siya rin ang Assistant Provincial Directress ng Education Ministry sa Pilipinas. Ginanap ang installation ni Sr. Masirag, SPC noong Nobyembre 20 bilang opisyal sa pamumuno nito sa paaralan. “Our ministry is not just to educate but to transform lives, to instill in our students and colleagues a renewed sense of purpose and to equip them to face the world with courage, compassion, and conviction,” sabi ni Sr. Maria Nilda Masirag, SPC, Ikaanim na Presidente ng SPCIS. Paglahok ng mga magulang, pinagtibay kuha ni ARKIN AMPANAS mula sa pahina 1 Pagkukuwento sa mga bata, isinagawa Academic Intervention ng SPCIS, mas pinalawig ni MA. JANELE RABE Mas pinagtibay ang pakikilahok ng mga magulang sa mga gawain sa paaralan kung saan nagsilbi silang mga tagakuwento at guro sa buong araw sa mga mag-aaral ng Preschool, Agosto 29. Naging sentro ang tema ng mga kuwentong ibinahagi nila tungkol sa buhay ng mga bayaning Pilipino. Masaya namang nakilahok ang mga mag-aaral sa mga gawaing inihanda ng mga magulang para sa kanila kagaya ng pakikinig sa pagkukuwento, pagkukulay, at pagsusulat. Nagpapasalamat naman ang mga guro ng Preschool sa pagtanggap ng mga magulang sa hamon na ibinigay at sa oras na inilaan nila sa nasabing gawain. Inaasahan na mas marami pang aktibidades ang magaganap na “Tunay na kahanga-hanga ang ipinakita ng bawat isa sa atin. Responsibilidad nating gamitin ang Wikang Filipino bilang midyum ng pakikipagtalastasan na kilalanin at paglingkuran sa paraang kaya natin. Isapuso natin na ang ating katutubong wika ay isang punong patuloy na umuusbong, minsa'y binabagyo, minsa'y nabubuwal, nagbabago ang kulay ng mga dahon ngunit anupa't ang ugat nito'y nakabaong malalim sa ating lupa, sa lupa ng ating sinilangan”, diin ni Bb. Jocelyn Laurente, ang Filipino Subject Team Leader. Pinangunahan ng Filipino Area ang selebrasyon ng Buwan ng Wika sa taong ito na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya”. kuha ni AKIN AMPANAS kuha ni ARKIN AMPANAS lalahokan ng mga magulang. Binigyang-diin ni Bb. Junafe Talania, ang Preschool Coordinator na napakahalaga ng gampanin ng paaralan at ng mga magulang upang maisakatuparan ang pinakamataas na pag-unlad at pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa programang ito, ang bawat mag-aaral ay mahahati sa tatlong kategorya – ang Gold (Remedial), Yellow Group A at B (Reinforcement), at Green Group (Enrichment). Magiging basehan ang kanilang pangakademikong grado sa nakaraang taong panuruan kung saang grupo mabibilang ang mga magaaral. Ang mga asignaturang English, Mathematics, Filipino, Araling Panlipunan at Science ang bibigyang halaga sa programang ito kung saan mas palalakasin ang mga kasanayang pampagkatuto na kailangan ng mga bata sa mga ito. Lahat ng mga guro ay naatasang maghanda ng magkakaibang modyul at pagsasanay tungkol sa mga araling tinalakay sa loob ng isang linggo. Ang mga pagsasanay ay nakadepende sa kakayahan ng mga bata sa grupo. Magiging gabay sa mga guro ang resulta ng programang ito upang masubaybayan ang akademikong pagganap ng mga bata. Inaasahan ang tagumpay ng proyekto sa tulong ng mga mag-aaral na marunong nang bumasa maging ng mga magulang na boluntaryong makikiisa sa programang ito ng paaralan. “Malaking tulong ang maidudulot nito sa mga bata lalo na sa academics nila,” ani ni Mrs. Regina Ragasa, ang Academic Coordinator ng GS.
ni XAVIER EZEKIEL TACATA Muling namayagpag ang mga Paulenyong mamamahayag sa Division Schools Press Conference na ginanap sa Narvacan, Ilocos Sur, Oktubre 17-18, kung saan 28 sa kanila ang pasok sa Regional Schools Press Conference. kuha ni ARKIN AMPANAS Pagbibigay, pagiging pag-asa sentro ng Rambak Paulenyo 2024 ni ACHILLES KYLDE MENDOZA Tayo’y Sama-sama sa Pagsalubong kay Hesukristo na Hari ng Pag-asa! Ito ang naging sentro ng tema sa ikalawang taon ng Rambak Paulenyo na ginanap noong Disyembre 9-11, 18 at 19, 2024. Naging mas makabuluhan ang pagdiriwang dahil isinabay ito sa kapistahan ng Immaculate Conception kung saan hinikayat ang lahat na magbigay at maging pag-asa ang lahat lalo na sa mga nangangailangan, naapektuhan ng kalamidad, napagdamutan ng kalayaan at magandang kalusugan. Isa sa mga naging bidang kaganapan upang maisabuhay ang pagiging pag-asa sa kapwa ay ang Lantern Parade. Ang bawat parol na hawak ng mga mag-aaral ay gawa ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) ng Ilocos Sur Provincial Jail. Ang mga ito’y pinagawa at binili ng SPCIS bilang tulong na rin sa kanila ngayong araw ng pasko maliban pa sa isasagawang Community Extension Service sa kanila. Nagkaroon din ng Jamming at Pauli-tiangge bilang parte sa selebrasyon kung saan ang kikitain ay ilalaan para sa mga partner communitites ng SPCIS. INTERNATIONALIZATION Hua Hin Vitthalayai School nagsagawa ng benchmarking sa SPCIS KALIDAD NA EDUKASYON Kabilang si Dr. Katrina Joy Naval sa mga empleyado ng SPCIS sa nagbahagi ng resulta ng kanilang mga pananaliksik para sa mas dekalidad na serbisyo at program ng paaralan. Larawang ibinahagi ni MR. HENDRIX ALVAREZ Faculty, Staff ibahagi ang mga natuklasan sa pananaliksik ni MONICA CABUENA Nagsagawa ang Research and Publication Office sa pamamagitan ni Dr. Wendell Lived, ang Direktor ng isang School-based Research Conference para sa lahat ng mga Faculty and Academic Non-Teaching Staff, Setyembre 18, sa Institutional Audio-visual Room. Ngayon ang ika-2 taon nito, ang nasabing pagsisikap ay naglalayong tulungan ang mga guro na muling tukuyin ang kanilang mga estratehiya sa pagtuturo, mapabuti ang paghahatid ng pagtuturo, at makakuha ng higit pang mga pananaw para sa mga posibleng problema sa pananaliksik. "Ang School Based Research Conference na ito ay repleksyon ng misyon ng ating institusyon na magtaguyod ng kultura ng pagtatanong, makabagong ideya, at paglilingkod," pahayag ni Sr. Sahlee Trinilyn Palijo, SPC, Dean ng Department of Nursing sa kanyang malugod na pananalita. Kasama sa conference ang pitong presentasyon ng pananaliksik ng mga multidisiplinaryong pag aaral na isinagawa ng mga Faculty and Academic NonTeaching Staff. Hinikayat ni Dr. Katrina Joy Naval, ang mga guro na dagdagan ang bilang ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng paghahanap ng kanilang niche. ni ACHILLES KYLDE MENDOZA Binisita ng mga kinatawan mula sa Hua Hin Vitthayalai School, isang pribadong paaralang Katoliko sa Thailand, ang St. Paul College of Ilocos Sur upang malaman pa ang mga programa, serbisyo, at pasilidad ng paaralan. Ang benchmarking activity ay nagsimula sa isang courtesy call at welcome activity kung saan tinalakay ng mga kinatawan ng paaralan ang mga posibleng pakikipagsosyo sa mga programa ng pagpapalitan ng kultura at internship sa internasyonal na pagtuturo. Sr. Angeles Ilagan, SPC, Basic Education Principal, ang mensahe ng pagtanggap sa mga panauhin sa ngalan ni Sr. Nilda Masirag, SPC, School President. Samantala, iniharap naman ni Dr. Wendell Lived, ang Research and Publication Director, ang SPCIS' Research and Extension Programs habang si Dr. Katrina Joy Naval, Vice President for Academics and Quality Assurance Director, ay nagbigay ng mga programang pang akademiko at pinakamagandang tampok ng edukasyong Paulenyo. Kasama rin sa welcome activity ang panonood ng mga promo video ng St. Paul College of Ilocos Sur at Hua Hin Vitthayalai School. Huli, nagkaroon ng campus tour ang mga bisita upang tingnan ang ilan sa mga pasilidad ng paaralan tulad ng Nursing Arts Laboratories, Science Laboratories, Computer Laboratories, Libraries, Levesville La Chenard Formation Center (Retreat House), at mga opisina. si Lemuel Hari Plana bilang Most Outstanding Campus Journalist at G. Emmanuel Pagal bilang Most Outstanding School Paper Adviser. Inuwi ng SPCIS ang 4th Place Best Performing Schools sa overall ranking ng individual at group events. Naging mga tagapayo sina G. Alvin Resuello, Bb. Ceselyn Riconose at G. Eman Pagal. Gaganapin ang RSPC sa Dagupan City, Pangasinan sa Pebrero 2025. BALITA 28 na Paulenyong Mamamahayag, pasok sa Regional Level Nanatili naman ang kampeonato sa St. Paul College of Ilocos Sur sa larangan ng Radio Broadcasting at Scriptwriting at Collaborative Dekstop Publishing sa parehas na midyum (English at Filipino). Matatandaan na ang SPCIS ang kumatawan sa rehiyon uno sa parehong larangan at nakasungkit ng mga parangal sa Best Anchor, Best Infomercial, Best Script at 4th Place Overall Production na ginanap sa Cebu noong Hulyo 2024. Napabilang din sa nabigyang parangal 03 angPaulenyo ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 Apat na Paulenyo wagi sa Math International Contests ni ACHILLES KYLDE MENDOZA Nagpakitang-gilas ng galing sa Mathematics ang apat na Paulenyo sa magkakaibang Math Olympiads Competiton sa ibang bansa. Nag-uwi ng pilak at tanso sina Niguel Yuri Corpuz at Vivien Claire Ng, mga mag-aaral mula sa ikalimang baitang, sa 2024 International Mathematics Wizard Challenge (IMWC) na ginanap sa Bogor, Indonesia, Hunyo 20-23. Samantala, sina Lemuel Hari Plana at Annabella Deiene Avelino, mga mag-aaral ng ikaanim na baitang ay nakasungkit ng tanso at merit sa 2024 Asia International Mathematics Olymiad (AIMO) sa Incheon, South Korea, Hulyo 27-30. Lubos na nagagalak si Gng. Precilda Ricotoso, ang Subject Team Leader sa Mathematics sa tagumpay na nakuha ng mga Paulenyo. Ani niya, naging malaking tulong ang MTG o Math Trainers’ Guild sa pagsisimula ng mga bata sa galing sa Math. Inaasahan din niya ng mas marami pang Paulenyo ang sasabak sa Math Competition sa mga susunod na buwan. IWAGAYWAY ANG BANDERA Nakasungkit si Lemuel Hari Plana, 11, ang tansong medalya sa AIMO sa Incheon, South Korea, Hulyo 27-30. Larawang ibinahagi ni LEOBERT PLANA mula sa pahina 1 PROGRAMANG ‘SRI’ Kasanayan sa maunawang pagbasa at literasiya, tumaas! Mula sa mga nagdaang taon ng Scholastic Reading Inventory, makikita ang tila pagtaas ng mga resulta mula sa Pre-Test ng mga estudyante, mula 35.7% na proficient students sa pagtaas nito sa 40.1%. Ngunit inaasahan na sa pagsapit ng Post Test Evaluation ay muling tataas ang bilang at antas ng kasanayan ng pagbasa ng mga estudyante. Kumunti rin ang bilang ng mga mag-aaral na nasa below basic, mula 20.5% sa 18.3% sa kasalukuyang taong panuruan. Ang Scholastic Reading Program na handog ng SPCIS ay upang mapalawig ang apat na makrong kasanayan: pagbasa, pakikinig, pagsulat, at pagsasalita. Ito ay isang inisyatiba ng paaralan upang masuportahan ang layunin na mapataas at mapabuti ang resulta sa mga darating pang pagsusuri ng Program for International Student Assessment.
04 angPaulenyo ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 Checklist of Concerns ng mga mag-aaral, pinag-aralan Kooperasyon ng mga magulang, hinikayat ni LEMUEL HARI PLANA Nagsagawa ang Guidance Services Unit ng isang sarbey sa mga mag-aaral sa lahat ng antas sa Grade School Department noong Homeroom Guidance Program Time ng mga bata. Dito napag-aralan ang iba’t ibang pagaalala na kinakaharap ng mga mag-aaral sa bawat antas. Ibinahagi ang resulta ng sarbey sa mga miyembro ng GS faculty kasama na ang mga katiwala ng silid-aklatan, klinika, at iba pang opisina. Tinalakay ni Gng. Marchie Lopez ang iba’t ibang hakbang paano matulungan ang mga mag-aaral at masolusyonan ang mga ito sa tulong ng mga empleyado ng paaralan. Binigyang-diin naman ni Gng. Regina Ragasa, ang Academic Coordinator ng GS na siguraduhin na naaayon ang nilalaman ng lesson plan sa mga pag-aalala ng mga bata. Sa pamamagitan naman ng Homeroom Unit na pinangangasiwaan ni Gng. Remelinda Tacazon, ibinilin sa mga Homeroom Advisers na talakayin ang resulta ng Checklist of Concerns sa mga magulang sa darating na bigayan ng report cards. Hinikayat din ang kooperasyon ng mga magulang nang sa gayon ay matugunan ang mga pag-aalalang ito na dinaranas ng mga mag-aaral. Bilang ng mga Paulenyo, bahagyang bumaba ni QUEEN ZENDRIA TAAY Hindi maikakaila ang bahagyang pagbaba ng bilang ng mga Paulenyo ngayong taong panuruan 2024-2025 kompara sa bilang ng nakaraang taong panuruan. Bumaba ng 7.8% ang bilang nito mula 651 na naging 600 na lamang. Isa sa mga naging dahilan ay ang pagpunta ng mga mag-aaral sa ibang bansa, kasama na rin ang malakas ng kompetensiya ng iba pang pampublikong paaralan at ang pinansyal na pangangailangan ng mga magulang dulot pa rin ng mataas na inflation rate sa bansa. Inaasahan pa rin ng administrasyon ang muling pagtaas ng numero sa mga susunod na taong panuruan ngayong may bago ng presidente ang paaralan kung saan bibigyang-pansin ang mga naging problema sa populasyon. SA MGA NUMERO 7.8 porsiyento ang ibinaba sa bilang ng mga Paulenyo sa taong panuruang 2024-2025 Buhay ng mga Santo, binaliktanaw ng mga Paulenyo ni QUEEN ZENDRIA TAAY Nagmistulang mga anghel ang mga mag-aaral, empleyado, at piling mga magulang sa ginanap na Parade of Saints, High School Quadrangle, Nobyembre 14. Halos animnapu naging benepisyaryo ng Outreach Program ni HARI LEMUEL PLANA Bilang pasasalamat ng Grade School Faculty Members sa mga biyayang natanggap sa taong 2024, nag-ambagan at nagsagawa sila ng isang Community Extension Services sa Sitio Mindanao, Brgy. Paratong, Sta. Catalina, Ilocos Sur, Disyembre 21. Humalili sa nasabing gawain sina Sr. Maria Nilda Masirag, SPC, ang Presidente ng paaralan at St. Angeles Ilagan, SPC, ang Basic Education Principal. Sinimulan ang Extension Services sa pamamagitan ng isang misa sa pangunguna ni Father Jayvie Benzon kung saan binigyang-halaga niya ang importansiya ng presensya ng bawat isa gaya ni Birheng Maria noong siya bumisita kay Elizabeth. Sinundan ito ng ikalawang parte kung saan nagsagawa ng parlor games at pamimigay ng simpleng papremyo at regalo. Halos animnapu ang naging benepisyaryo sa isinagawang gawain. Ang naging pangunahing layunin ng mga serbisyong ito ay palakasin ang pakikilahok ng komunidad at magbigay ng suporta sa mga pamilyang nangangailangan, habang pinapalakas din ang diwa ng kooperasyon sa pagitan ng paaralan at mga residente. Sa pakikilahok sa programang ito, hindi lamang nakabuo ng SPCIS ng pakiramdam ng responsibilidad kundi natutunan din nila ang kahalagahan ng pagbabalik sa kanilang komunidad. Layunin ng aktibidad na ito na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasabuhay sa mga natatangiang katangian ng mga Santo at Santa sa buhay ng mga Katoliko. Inumpisahan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagpaparada sa mga kalye ng Vigan City, Bantay at San Vicente pabalik sa paaralan. Binigyan ng isang minuto ang bawat kalahok na ipakilala ang Santo o Santa na kanilang iniidolo sa pamamagitan ng kanilang kasuotan at kaunting kaalaman tungkol sa buhay ng mga inilalarawan nila. Pagkatapos ng parada ay isinagawa ang Living Rosary bilang pampinid na palatuntunan sa selebrasyon ng Buwan ng Santo Rosaryo at binigyang-halaga ang paggalang kay Inang Birheng Maria. ESPESYAL NA ULAT VANDALISMO! Samu’t saring paninira sa mga pasilidad ng paaralan, suliranin sa SPCIS ni MONICA CABUENA Napapansin ng mga kaguruan maging ang mga staff sa paaralan ang napakaraming sulat sa mga pader at sa loob ng palikuran gamit ang mga panulat na lapis, ballpen, at pentelpen. Sobrang pagkadismaya ang naramdaman ng pamunuan ng paaralan dahil sa kawalang disiplina ng mga bata sa paninira sa mga ari-arian ng paaralan. Kaugnay nito, nagpatawag na rin ng pagpupulong noong Setyembre 17 si Sr. Angeles Ilagan, SPC, ang punongguro ng Basic Education Department kasama si Mrs. Remelinda Tacazon, ang Homeroom Coordinator maging ang mga Coordinationg Board of Student (CBS) Government upang aksyonan ang isyung ito at napagkasunduang mas paiigtingin ang pagpapatupad ng disciplinary action at pagpapaalala para maiwasan na ang paggawa ng vandalismo sa paaralan. Hihikayatin din ng mga CBS ang kapwa nila mag-aaral na pakaingatan ang mga ariarian ng paaralan. “Kung ituturing nating sariling tahanan ang ating paaralan, magkakaroon tayo ng disiplina sa paggamit ng mga ari-arian nito. Kung isasaisip at isasapuso natin ang maayos na paggamit ng mga ito, magiging kaayaayang tingnan ang paligid ng ating pangalawang tahanan,” saad ni Sr. Angeles Ilagan, SPC. Hinamon din ni Sr. Angeles Ilagan, SPC ang mga bata na maging responsable pagdating sa paggamit ng mga palikuran, “Sa halip na magsulat-sulat ng kung ano-ano sa pader at sa palikuran ay magkakaroon ng bawat silid-aralan ng Freedom Wall kung saan dito nila isusulat ang anumang bagay na nais nilang isulat.” Samantala, mas pinaigting naman ng paaralan ang pagbibigay ng paalala sa mga mag-aaral tuwing HomeroomGuidance Program Time na ginaganap tuwing Lunes at Biyernes. Siyamnapu, tumanggap ng First Communion ni QUEEN ZENDRIA TAAY Bilang pagtugon sa ispiritwal na pangangailangan ng mga mag-aaral sa St. Paul College of Ilocos Sur, nagsagawa ang Christian Formation (CF) Office para sa taunang First Communion sa BF Rooker Audi-gymnasium, Disymbre 6. Siyamnapung mag-aaral mula sa ikatlo at ikaapat na baitang ang siyang tumanggap ng First Communion. Binigyang-diin ni Msgr. Gary Noel Formoso, ang school chaplain ang kahalagahan ng nasabing okasyon. Inaasahan ng pamunuan ng Christian Formation na isasabuhay ng mga mag-aaral ang turo ng simbahan lalong lalo na ang lingguhang pagsimba.
ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 Ngunit, hindi sana humantong ang resulta nito sa pagkawala ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino kasama na ang kultura at tradisyon ng bawat rehiyon sa bansa. dibuho ni QUEEN TAAY AGPAKADAAKON, MOTHER TONGUE! (Paalam, Mother Tongue!) OPINYON “ EDITORYAL 05 LUPON NG PATNUGUTAN ap angPaulenyo Ang Opisyal na Pampaaralang Pahayagang Filipino ng St. Paul College of Ilocos Sur Grade School Department Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno Hulyo 2024 - Enero 2025 TOMO VI | Bilang 01 I-SCAN AT MAGSUBSCRIBE PARA SA MGA AGARAN AT NAPAPANAHONG BALITA Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang panukalang pagtanggal ng 'sariling wika' sa mga tagubilin na ibinigay para sa Kindergarten hanggang Grade 3. Ang Republic Act 12027 o Act Discontinuing the Use of Mother Tongue as Medium of Instruction, ay nag-uutos ng opsyonal na paggamit ng mga wikang panrehiyon sa mga uri ng monolinggwal. Nakasaad din sa bagong batas na ang midyum ng pagtuturo ay kailangang bumalik sa Filipino at Ingles, kung saan ang sariling wika ay magsisilbing pandagdag na wika lamang para sa midya ng pagtuturo. Sino nga ba ang may malaking problema sa paglilipat ng wika sa maagang pag-aaral? Ayon sa Poverty Action, ang mga mag-aaral na edukado sa kanilang lokal na wika ay nagpapakita ng mas mataas na pakikipag-ugnayan at akademikong pagganap. Sa Pilipinas, ang mga batang mag-aaral na lumilipat mula sa kanilang sariling wika sa Filipino at Ingles ay nakaaapekto sa kanilang pag-unawa at kaginhawahan sa pag aaral. Batay sa isang ulat mula sa Varly Project, ang pagtuturo sa mga katutubong wika ay nagpapahusay ng pag-unawa at pagpapanatili ng mga konsepto. Nahaharap naman sa mga hamon sa pag-aangkop ng kanilang mga pamamaraan ang mga gurong sinanay sa pamamaraang Mother Tongue-Based and Multilingual Education (MTB-MLE). Nag-aalala ang mga pamilya ngayon tungkol sa kanilang mga anak; sa kakayahang mahawakan ang mga masalimuot na paksang itinuturo sa ikalawa o ikatlong wika, na nagtatampok sa pangangailangan ng matibay na pundasyon sa kanilang sariling wika. Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child, hindi dapat ipagkait sa isang bata ang karapatang gamitin ang kanilang sariling wika, kung saan ang pagtanggi sa sariling wika bilang midyum ng pagtuturo ay magreresulta sa pagiging 'limitado' ng mga bata at isang uri ng 'paglabag sa karapatan'. Naghihikayat din ang Action Plan para sa Universal Declaration on Cultural Diversity ng pagkakaiba-iba ng wika, kabilang ang sariling wika "sa lahat ng antas ng edukasyon at pagtataguyod ng pag aaral ng ilang wika mula sa pinakamaagang edad." Sa taong 2021, binanggit ng Varly Project na kung ang mga wika sa rehiyon ay maaaring mapabayaan, kung gayon maaari itong humantong sa pagkasira ng kultura, kung saan ang mga katutubong wika sa edukasyon ay mahalaga para sa pangangalaga ng pamana ng kultura at pag-unlad ng kognitibo. Bakit ba isinusulong ng batas na tanggalin ang mga tagubilin na nakabatay sa sariling wika? Ipinagtatalo ng mga tagapagtaguyod ng RA 12027 na ang pagbibigay prayoridad sa Filipino at Ingles ay naghahanda sa mga mag aaral para sa mga pandaigdigang oportunidad sa trabaho at nagtataguyod ng pambansang pagkakaisa, na nagsasabing ang kahusayan sa mga wikang ito ay napakahalaga para sa isang mapagkumpitensya na manggagawa. Ipinapaliwanag ng ilang eksperto sa edukasyon ang mga hindi pagkakatugma sa pagpapatupad ng programang MTB-MLE, na nagpapahiwatig na ang pagpapahusay ng kurikulum ng Filipino at Ingles ay makapagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, lalo na sa mga lunsod o bayan kung saan hindi gaanong karaniwan ang mga lokal na diyalekto. Naniniwala rin sila na ang isang standardized na sistema ng edukasyon ay nagpapadali sa mas mahusay na pagtatasa at pagsubaybay sa pagganap ng mag aaral, na maaaring humantong sa pangkalahatang pagpapabuti sa mga kinalabasan ng edukasyon. Inaasahan na ang paglagda ng batas na ito ni Pangulong Marcos ay makatutulong sa magandang pagganap ng Pilipinas sa mga darating na Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan matatandaang nasa mababang ranggo pa rin ang Pilipinas. Ngunit, hindi sana humantong ang resulta nito sa pagkawala ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino kasama na ang kultura at tradisyon ng bawat rehiyon sa bansa. Sana ay magkaroon ng agarang pananaliksik sa pangmatagalang epekto ng batas na ito sa Pilipino lalo na sa mga mag-aaral, kaguruan at komunidad. PAGREPASO SA CLASS SUSPENSION, ANONG SEY MO? “ PRINCESS BILGERA Grade 6 Huwag muna. Dapat maging prayoridad iyong kaligtasan, at kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro. “ LOUISE RABANG Grade 4 Repasuhin na lang siguro dahil maraming nasasayang na oras. Minsan, napaka-init ng panahon kahit nasa Signal No. 1 naman tayo. “ NICCOLO RUSIBIN Grade 5 Dapat sigurong balansehin kapag nirepaso ang class suspension.Magka sundo na dapat ang mga ahensiya kung kailan ba dapat nagsususpinde ng klase. dibuho ni AKIN AMPANAS LEMUEL HARI PLANA Punong Patnugot JEUS AZAIAH VALDEZ Katuwang na Patnugot SAFIYAH TOLENTINO Tagapangasiwa MONICA CABUENA MA. JANELE RABE Balita KRISCHEIN MIELE ANINAG RANE REINTEGRADO Opinyon ARYANA FAYE TUBON LOUISE FRANCINE RABANG Lathalain at AgTek LIAM JACOB LAITAN Isports ARKIN AQUIRO AMPANAS Maniniyot QUEEN ZENDRIA TAAY Dibuhista XAVIER TACATA ACHILLES MENDOZA Mga Aprentis MR. EMMANUEL PAGAL MS. CESELYN RICONOSE Ka-Tagapayo MR. FLORDELITO ALVIN RESUELLO Tagapayo SISTER ANGELES ILAGAN, SPC Punong-guro
06 angPaulenyo ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 ASIGNATURA: HOMESCHOOLING 101 BATO-BATO SA LANGIT “ Alalahanin, ang aral ay sa paaralan, ang asal ay sa tahanan. JEUS AZAIAH VALDEZ Ibang-iba sa mga naunang mga kabataan ang henerasyong ito. Karamihan sa mga guro kasama na ang mga paschologists, napansin ang pagbabagong ito. Marami na rin ang nagrereklamo sapagkat ang mga kabataan ngayon ay masyado nang bastos, walang galang, at pansarili na lamang ang iniisip. Ang mga guro ay nahihirapan na minsan sapagkat nasasayang ang oras nila sa pagpapa-alala at pagwawasto sa asal ng mga bata. Nakalulungkot isiping karamihan sa mga magulang ay isinisisisi sa mga guro ang mga ganitong sitwasyong dapat daw ay ginagawa ng guro ang nararapat at ginagawa nila nang husto ang trabaho nila bilang guro. Napakasakit sa parte ng mga guro na may ganitong uri ng mga magulang at estudyante. Pinag-aralan nila ang kanilang propesyon ng apat na taon kasabay ng isang taong preparasyon para sa board examination. Ipinaalala kamakailan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na ang halaga ng disiplina at pag-uugali ay nag sisimula sa bahay. Binigyang-diin na sa bahay natututunan ng mga bata ang pundasyon ng mga magagandang halaga at mabuting asal, kasama na kung paano ang maging matapat, masipag, at magalang. Bakit natin isinisisi ang kawalan ng asal ng bata sa mga guro kung ang unang guro naman ng mga bata ay ang kanilang mga magulang? Hindi ba nararapat na bigyang pansin ng mga magulang ang kanilang kakulangan sapagkat ang mga guro ay hindi mga salamangkero at maaari lamang nila mapalakas ang mga natutunan ng mga bata sa bahay? Malaking impluwensiya sa mga kabataan ngayon ang masyadong paggamit ng mga gadyet sa kanil ang paguugali na sinusuportahan ang pag-aaral ni Dumbrique, et. al (2018). Nawawala na ang oras nila para sa pakikipag-usap sa mga magulang at pakikipaglaro sa mga kaibigan sa labas. Nakatuon na ang oras nila sa mga mobile phones. Karamihan sa mga kakilala ko ay may gadyet na ginagamit at naobserbahan kong umiba ang kanilang pakikipagkapwa sa amin. Sana paigtingin pa ang mga aktibidad ng paaralan lalo sa Christian Formation (CF) at Homeroom Guidance Program (HGP) upang mapagtibay ang kagandahang asal ng mga mag-aaral. Pero alalahanin natin na ang CF at HGP ay dapat naituturo muna ng mga magulang sa bahay nila dahil ang pinakamahusay na guro para sa mga bata ay ang sarili nilang magulang sapagkat sila rin ang naging unang mga guro nila. Kung ano ang ipinapakita at itinuro sa kanila ay ganoon din ang gagawin ng mga bata sa kanilang makasasalamuha. Alalahanin, ang aral ay sa paaralan, ang asal ay sa tahanan. TUTULAD KA BA KAY EBA? “ ARKIN AQUIRO AMR AMPANAS Sa panahon ngayon, nagkalat na ang sari-saring balita na malayo sa katotohanan. Marahil ito ay kagagawan ng tao upang linlangin ang taong bayan. Sa pekeng balita, dalawa ang kawawa—ang ibinalita at ikaw na naniwala, habang ang gumawa-gawa, masaya siya. Sa kanilang isipan, katuwaan man ito o hindi ay nagdudulot ng malaking pagkalito sa isipan ng mga tao, ang masaklap—kung ito ay nakakaapekto na sa imahe ng tao na nagdudulot ng pagkasira sa kaniyang reputasyon at dignidad. Halimbawa, kapag ikaw ay ginawan ng isang balitang hindi makatotohanan, ano ang magiging reaksiyon mo? Matutuwa ka ba? Di ba hindi? Nakasasakit sa damdamin na pinag-uusapan ka pero wala silang kaalam-alam na peke pala ito. Bilang taong may isip at bilang mga taong iniligtas at niliwanagan na ng Panginoon, hindi tayo basta-basta nagpapaniwala sa anumang balita na lumalabas. Naglipana na ang pekeng balita sa bansa. Sino ba ang Ama ng Pekeng Balita? Walang iba kung hindi si Satanas! Tutulad ba tayo kay Ebang nalinlang ni Satanas? Sa simpleng pakikinig ni Eba ay napalayo sa siya sa katotohanan. Mabigat at malaki ang kanyang naging bayad at pagsisisi. Tayo, anak ba tayo ni Satanas at Tatay natin siya kaya kailangan nating makinig sa kanya? Hindi ba tayo ay anak ng Diyos ng Katotohanan? Paano mo malalaman kung ito ay peke o hindi ang mga impormasyong nababasa, napapanood, o napakikinggan? Narito ang mga pwede mong gawin. Una, kailangan mong maging mapagmasid at marunong umusisa sa mga balitang nagsilabasan. Pangalawa, suriing mabuti kung kanino ito galing o kung sino ang sumulat ng balitang ito. Ikatlo, suriin ang pagkakagamit ng mga salita at pagkakabaybay ng mga ito. Ikaapat, tumingin ng iba pang balita na kaparehas ng binasa mo. Ikalima, tignan kung ang website ay lehitimo o hindi. Sa mga ganitong paraan, pwede nating maiwasan ang pagkalat ng mga pekeng balita. Huwag agad-agad maniwala sa mga nababasa o naririnig. Tandaan, “Walang manloloko kung walang magpapaloko.” Huwag tayong maging mangmang. Hindi lahat ng nababasa sa pahayagan lalong lalo na sa social media ay kailangang paniwalaan. Hindi lahat ng naririnig sa radio, telebisyon o kapitbahay ay pawang makatotohanan. Sa pekeng balita, dalawa ang kawawa— ang ibinalita at ikaw na naniwala, habang ang gumawa-gawa, masaya siya. Kaya, mag-isip, magdalawang-isip, at maghanap ng katunayan bago ibahagi ang balitang iyong nasagap. Itanong sa sarili, “Balita, totoo ka ba?” dibuho ni AKIN AMPANAS MAG-ISIP-ISIP KALIGTASAN O KAALAMAN? XAVIER EZEKIEL TACATA Pabor ang Department of Education (DepEd) sa panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na repasuhin ang patakaran sa class suspension tuwing may bagyo. Matatandaan na apat na magkakasunod na bagyo ang humagupit sa bandang Luzon kamakailan na nagdulot ng class suspesion dahil sa pagkakabilang ng lalawigan sa Wind Signal No. 1. Ito ay nakabatay sa DepEd Order No. 37 series of 2022. Ayon sa DepEd, dapat magkasundo na ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kung kailan ba dapat nagsususpinde ng klase. Mahirap kasing habulin ang oras na nasasayang kapag walang pasok ang mga bata. Sa tala ng DepEd, 42 sa 88 school days ang nawala sa ngayong panuruan 2024-2024. Sa Rehiyon Uno, 33 na ang nawala dahil sa mga class suspension batay sa report ng EdCom2. Kasabay nito, pinamamadali na ni DepEd Secretary Sonny Angara ang pagrepaso sa sariling patakaran ng DepEd tungkol sa class suspension. Tama rin naman na maging prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro. Pero, dapat maging balanse rin dahil may hinahabol ang kagawaran na learning crisis at hindi pwede na basta-basta na lang nagsususpinde. Hindi naman masamang ayusin ang dapat lalo na kung may suliraning kinakaharap ngayon ang kagawaran at ng bansa - ang pagiging nasa ibaba sa mga nakaraang PISA Ranking. Sana sa pagrepaso ay pag-isipan nang maayos kung alin ang mas mahalaga, kaligatasan ba o kaalaman ng mga magaaral sa bansa? “ DIRETSAHAN Tama rin naman na maging prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro. TALA NG EDITOR Ngayong taong panuruan ay makabuluhan sa atin dito sa Ang Paulenyo. Ibig sabihin, nasa ika-6 na taon na tayo ngayon ng paglilingkod sa mga Paulenyo. Hindi man naging madali ang tinahak ng pahayagang ito ngunit mananatiling magpapahayag ng makabuluhang mga istorya at sulatin para sa bawat mag-aaral. Inaasahan namin na nandyan pa rin ang suporta ng mga Paulenyo, guro, administration at mga magulang para sa mga kagaya naming mga mag-aaral na mamamahayag. Lemuel Hari Plana Punong Patnugot | Ang Paulenyo
ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 GUYS, ANO NA? “ Mahal na Patnugot, Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ang dami ng iba’t ibang sulat na nakapinta sa mga pader at palikuran sa paaralan. Matatandaan na nagbigay na ng paalala ang punong-guro natin at ng Homeroom Coordinator hinggil dito ngunit problema pa rin ang ibang mag-aaral na patuloy na sumusulat ng kung ano-ano sa mga ari-arian ng paaralan. Hinihingi ko sana na mas bigyang-pansin ito at mas paigtingin ang kampanya laban sa vandalismo dahil nakasisira ito sa imahe at nakarurumi sa itsura ng paaralan. Sana ang kampanya laban sa gawaing ito ay maipaalala rin sa mga magulang upang ifollow-up ito sa kanilang mga bahay Gayunpaman, hindi sapat ang isa o dalawang beses na pagpapaalala sa mga mag aaral. PUNTO PAULENYO “ Kung ang mga hakbang na ito ay maisasakatuparan nang maayos at masunod ng lahat, maaaring mabawasan kahit papaano ang trapik na nararanasan sa St. Paul Avenue. Mahal naming Erika, Maraming salamat sa iyong mensahe at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa iyong obserbasyon sa mga nangyayari sa paaralan. Inaasahan mo na ang iyong malasakit sa paaralan ay mabibigyang-pansin. Ang Patnugutan KOMENTARYO Isang seryosong isyu ang vandalismo sa mga batang nag-aaral sa bansa. Kabilang dito ang pagsira sa ariarian ng ibang tao, tulad ng mga bangko, basurahan, pader at marami pang iba. Ito rin ay nagsasangkot ng graffiti sa mga pader, bintana at bench, na mahirap alisin at nagkahahalaga ng maraming pera. Nitong nakaraang mga linggo, napansin ng punong-guro at coordinator ng Homeroom Unit ang pagdami ng mga sulat sa pader ng koridor at sa palikuran. Kaya naman, gumawa agad sila ng aksiyon upang hindi na ito lumala pa. Sa mga obserbasyong ito, pinaalalahanan ng mga school administrator at guro ang mga mag-aaral sa kanilang Homeroom Guidance Program classes na tumigil at iwasang magsulat ng anumang bagay sa mga pader, upuan, at bench, kasabay ng pagsira ng mga pasilidad ng paaralan. Ginagawa rin ng mga student leaders ang kanilang trabaho habang patuloy nilang pinapaalalahanan ang kanilang mga kaklase na huwag gawin ito. Sa kabilang banda, pinaalalahanan din ng mga guro ang mga mag-aaral tungkol sa mga batas at regulasyon sa paaralan na kinabibilangan ng mga akusasyon sa paggawa ng vandalismo. Malaki ang naitutulong ng lahat ng ito sa paglutas ng problema tungkol sa vandalismo. Gayunpaman, hindi sapat ang isa o dalawang beses na pagpapaalala sa mga mag aaral. Ang masusing pagsubaybay ay ang pinakamahusay na paraan upang talagang tapusin ang nasabing problema. WAIT, TRAPIK NA NAMAN! Erika Bilgera Tugon ng Patnugot Nagkamali na ginamit ang mga pader bilang kanilang writing sheet ang mga mag-aaral lalo na sa mga mababang grado, hindi namamalayan ang mga kahihinatnan nito dahil ang mga ito ay itinuturing na vandalismo. SAFIYAH TOLENTINO Hindi makakaila ang pagkainit ng ulo at pagkabagot kapag ikaw na nasa St. Paul Avenue na tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes dahil sa sobrang trapik lalo na kapag lagpas alas siyete na ng umaga at alas kwatro ng hapon. Ito na marahil ang naging nakasanayan ng mga mag-aaral, empleyado, magulang, at iba kapag napadadaan sa kalyeng ito. Ngunit, naging malaking sagabal ito hindi lang sa komunidad na kinabibilangan ngunit sa loob na rin mismo ng paaralan. Nitong nakaraang mga buwan ay pinag-usapan ng komite sa Health at Security ng paaralan sa pangunguna ni Bb. Vicker Albano, ang Safety Officer at ng administrasyon ng SPCIS ang sobrang trapik sa St. Paul upang maagapan kahit papaano ang suliraning kinakaharap noon pa. Kapansin-pansin kasi ang biglang pagdami ng personal na sasakyan na pumapasok sa SPCIS na naghahatid at nagsusundo lamang ng isa or dalawang estudyante kaya nagdudulot ng sobrang trapik sa labas at loob ng paaralan. Isa sa naging aksyon ay ang pagkakaroon ng sticker sa lahat ng sasakyang papasok sa paaralan nang sa gayon ay masubaybayan ang bilang ng mga sasakyang papasok. Ikalawa, ang paghingi ng tulong sa LGU Bantay para magkaroon ng traffic aide sa mismong kalye. Ito ay upang maagapan ang pagiging agresibo ng ibang driver na maghari-harian sa kalye at pagkakaroon ng maayos na pagparke sa mga sasakyan sa gilid. Ikatlo, ang pag-eenganyo sa mga Paulenyo na mag-avail sa school bus services. Ang school bus ay nakapagkakasya ng higit 60 na pasahero. At panghuli, ang pag-eenganyo sa mga magulang na magkaroon ng car pulling sa paghatid at pagsundo sa mga mag-aaral. Kung ang mga hakbang na ito ay maisasakatuparan nang maayos at masunod ng lahat, maaaring mabawasan kahit papaano ang trapik na nararanasan sa St. Paul Avenue. Nawa’y ang problemang ito ay matigil na. Oo, nariyan nga ang pag-unlad ng mga sasakyan pero grabeng hirap naman ang pag-usad ng mga ito. BAKIT PALIHIM ANG PAGGAMIT SA PERA NG BAYAN? Mahalaga ang pag-unlad ng isang bansa. Ngunit, kung ang ganitong mga pondo ay ginagamit nang hindi makatarungan, maaari itong magdulot ng masidhing epekto sa mga mamamayan, gaya ng kahirapan at pagkawala ng tiwala sa mga opisyal. Ang mga pondong ito ay Hindi ba’t itinuturo sa mga kabataan na tinatagong bahagi ng salapi ng maging tapat at totoo? Paano nila pamahalaan na karaniwang ginagamit maisasabuhay iyan kung mismong mga para sa mga lihim na proyekto o mga lider ng bansa ang hindi gumagawa? gawain na hindi inilalantad sa publiko. Mahalaga na maging bukas ang Ngunit, sa mga nagdaang panahon, pamahalaan ukol sa confidential funds. lumitaw ang mga isyu ng katiwalian at Hindi maaaring manatiling lihim ang pang-aabuso sa paggamit ng paggamit sa pera ng bayan. Dapat itong confidential funds. Ang isyu tungkol sa isalaysay sa taumbayan nang maayos at confidential funds ay nagsimula dahil sa malinaw, kasama ang layunin at mga kahilingan ng Tanggapan ng proyektong inilalaan para dito. Pangalawang Pangulong Kung ipinangako nilang gagamitin pinamumunuan ni Bise President Sara ito sa tamang paraan, bakit kailangan Duterte na may halagang ₱125 milyon. pang palihim ang kalakaran? Sa kasalukuyan, ang usapin tungkol sa “confidential funds” o “pondo ng bayan” ay patuloy na nagbubunsod sa mga balita, talakayan, at pag-aalinlangan sa Pilipinas. Higit sa lahat, ang mga namumuno at mga kawani ng pamahalaan ay dapat managot sa kanilang mga gawain kaugnay dito na may paglabag sa mga regulasyon o paggamit ng pondo. Dapat maging patas ang proseso sa paraang walang pagkiling sa mayaman o makapangyarihan. Ang usaping ito ay isang mahalagang aspekto ng pamahalaang hindi dapat kaligtaan. Ito ay isang hamon sa ating mga lider at mamamayan na siguraduhing ang laang-salapi ng bayan ay nagagamit para sa tamang layunin at paraan upang hindi mauwi sa katiwalian. Dapat tayong maging bantay-sarado at mabusisi bilang mamamayan na nakikinabang sa mga proyekto ng pamahalaan upang magarantiya ang tamang paggamit sa kaban ng bayan. dibuho ni ARKIN AMPANAS Mensahe sa Patnugot ARYANA FAYE TUBON OPINYON MARKA SA PADER: ANG MALING PAPEL 07
08 angPaulenyo ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 BABALA: ROSARYO NG SATANISTA ASINTADO “ Ngunit paano nga kaya kung ang hawak mo palang rosaryo ay isang Satanic Rosary? ACHILLES KLYDE MENDOZA Nakapasok na tayo sa Buwan ng Santo Rosaryo, ibig sabihin, papalapit na naman nang papalapit ang undas—sa panahong ito natin ginugunita ang mga yumao na madalas idikit ng ilan sa mga katatakutan imbes na sa kapayapaan at kabanalan. Tila mas tinatangkilik pa nga ng ilan ang mga nakatatakot ng dekorasyon, at mga kasuotan kaysa mga bagay na maglalapit sa kanila sa Panginoon. Gayunpaman, mayroong sandata ang mga katoliko na tumutulong hindi lamang para proteksyunan ang mga nagdarasal nito, kundi upang ipagdasal rin ang mga kaluluwang nasa purgatoryo—ito ang Santo Rosaryo. Ang Rosaryo ay isang sakramental para sa atin, ito ay simbolo rin ng ating pananampalataya—ito ay unang itinuro at ibinigay ng Inang Maria kay Santo Domingo upang mapagtagumpayan nito ang pagpapabalik ng mga erehe sa tunay na Simbahan. Mula noon, hanggang ngayon, kasama na ng Simbahan ang Santo Rosaryo sa bawat laban nito—mapadigmaan man o saang larangan. Kaya naman hinihikayat ang bawat isa na magkaroon ng rosaryo, at higit sa lahat, ay dasalin ito sa araw-araw upang makabuo nang mas malalim na relasyon sa Panginoon sa tulong ni Birheng Maria. Ngunit, paano nga kaya kung ang hawak mo palang rosaryo ay iba pala? Alam mo ba na nagkalat ang mga satanic rosaries sa paligid? Hindi lamang dahil sa ito ay mura, madalas rin itong ipamigay. Kung ito'y titignan, tila nakakaengganyo ang iba’t-ibang kulay nito. Ayon kay Rev. Fr. Ambrosio Nonato Legaspi, isang Chief Exorcist sa Diyosesis ng Novaliches, ang satanic rosary ay maaaring madiskubre sa pamamagitan ng sumusunod na character: Una, may hugis ng araw na may sinag sa bawat sulok nito. Ikalawa, walang tanda ng INRI sa taas nito. Ikatlo, may nakapulupot na ahas sa krus. Ikaapat, may mga tinik sa likod ng imahe ng krus. Panghuli, kadalasan, ang mga ito ay gawa sa plastic. Mabuting suriin ang mga rosaryong gamit natin, at kung tingin ninyo'y isang satanic rosary ang mayroon kayo, mas makabubuti kung ipagbigay alam ito sa kinauukulan. kartuPINYON dibuho ni QUEEN TAAY dibuho ni QUEEN TAAY PAG-IISIP AY PAG-ISIPAN PROTEKTADONG KAISIPAN “ Kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya dapat matugunan ang mga pangangailangan at siguraduhing matatag ang kaisipan bago suungin ang mga hamon ng buhay sa labas ng apat na sulok ng paaralan. Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng porsyento ng mga mag-aaral na nakararanas ng isyung may kinalaman sa mental health. Mayroon bang malaking kontribusyon sa nararanasan ng kabataan ang mabigat at mabilis na daloy ng gawain sa paaralan? MONICA CABUENA Halos lahat ay humihiling ng pahinga mula sa walang katapusang gawain na ibinibigay sa silid-aralan. Sa hangad na maisakatuparan lahat ng learning competencies sa itinakdang panahon, ang mga estudyante ay naghahabol din upang hindi magpatong-patong ang mga gawain. Ramdam ang pagbigat ng mga aktibidad na ipinapagawa at mas marami kumpara dati. May mga pangyayari pa minsan ay hindi pa lubos na naiintindihan ng estudyante ang itinuro ng guro ay kailangan nang magpatuloy sa panibagong aralin dahil sa sinusunod na kurikulum. Ang pagkadismaya ng estudyante sa mga pagkakataong hindi nagagawa ang mga akademikong gawaing kailangang ipasa, ay susundan ng tinatawag na burnout. Matapos ay susubukang muli ng mga estudyante na bumawi, madalas dito mag-uugat ang pagkakaroon ng kompetensya sa lugar ng pagkatuto. Bagamat hindi napapansin, ito ay nangyayari talaga sa kasalukuyang panahon at unti-unti ring nagpapahirap sa kalagayan ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda, kung susuriin ang pagkakaroon ng kompetisyon ay may benepisyo namang idinudulot kahit papano. Ang pagkakaroon ng kompetensiya sa pagitan ng mga magaaral ay maaaring magdagdag pagpupursige upang pagbutihin ang pag-aaral. Gayunpaman ay hindi mawawala ang negatibong epekto nito, lalong-lalo na sa mental na kalagayan ng tao. Marahil sa iba ay karaniwan lang ang pakikipagkompetensya, maaaring namang mahirapan ang ilan na makipagsabayan Gayunpaman ay hindi mawawala ang negatibong epekto nito, lalong-lalo na sa mental na kalagayan ng tao. Marahil sa iba ay karaniwan lang ang pakikipagkompetensya, maaaring namang mahirapan ang ilan na makipagsabayan. Nakalulungkot isipin na ang mga nabanggit na isyu ay isa sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga kabataang estudyante sa ating bansa. Batay sa datos ng Department of Education noong taong 2021, 404 na mag-aaral ang nagpatiwakal, habang 2,174 ang sumubok na gawin ito. Isa lamang sa napakaraming kontribyutor na dumadagdag sa bigat ng isipan ng kabataan ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon ngunit kahit ganoon ay makakahinga nang maluwag dahil ginagawa ng pamahalaan ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang masolusyunan ang problemang ito. Kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya dapat matugunan ang mga pangangailangan at siguraduhing matatag ang kaisipan bago suungin ang mga hamon ng buhay. Dapat pangalagaan ang mental na kalusugan dahil ang mahusay na kaisipan ay susi sa magandang kinabukasan. dibuho ni ARKIN AMPANAS dibuho ni ARKIN AMPANAS
ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGANG FILIPINO NG SPCIS - GRADE SCHOOL DEPARTMENT Dibisyon ng Ilocos Sur | Rehiyon Uno | Tomo VI | Bilang 01 | Hulyo 2024 - Enero 2025 dibuho ni QUEEN ZENDRIA TAAY Sis, kapag tayo ay kumakain o ngumunguya, wala dapat tayong naririnig – iyan ang kinagisnan ng mga Pilipino tuwing kumakain. Pero, kapag tayo ay kumakain ng mga kuhol, maingay. Bakit? Kailangan mo kasing supsopin para makuha ang lamang loob ng isang kuhol. Sa mga palayan dito sa ating lugar sa Ilocos Sur, nakatago ang isa ring uri ng kuhol na pabilog, ang tinatawag na Golden Apple Snail. Peste kung ituring ang kuhol na ito pero sa ibang tao, ito ay maituturing na isang biyaya. Nagiging isang Pagkain biyaya ito dahil ginagawa nila itong isang ulam. Masarap sabayan ng paghigop ng sabaw ang pagsupsop ng kuhol. Kaya ginagawa nila itong Sinigang na Kuhol sa Sampalok. Minsan, ginagawa rin nila itong pampulotan tuwing may inuman sa pamamagitan ng isang Sizzling Kuhol. Ang pagkain ng kuhol ay nakapagbibigay rin ng maraming sustansiya. Ito ay ang calcium, protein, fiber, at marami pang iba. Ayon sa Healthyeating.sfgate.com, ang kuhol ay nakapagbibigay ng masustansiyang vitamin E, selenium, magnesium, at phosphorus. Dagdag pa sa benepisyong ito ay hindi ito mahal bilhin. Maaari lamang silang makuha ng libre sa mga malalawak na palayan lalo kapag sumapit na ang tag-ulan. Kaya, ano pa ang hinihintay mo? Subukan mo itong Kuhol na ito. Kuhol kayo riyan? LATHALAIN ni ARYANA FAYE TUBON 09 An g N ak a ba ba l i w n a ni LOUISE FRANCINE RABANG Alam ng bawat IIocano kung ano ang 'ipon'. Maaaring tunog "savings" ito sa Filipino, subalit ito ay sisirain ang iyong naisip, tulad ng 'ipon' ay mabibili sa mataas na presyo. Itinuturing ang Ipon na isang Ilocano exotic food o delicacy dahil sa misteryo, bihira, mataas na presyo, at siyempre, ang natatanging lasa nito sa mga Ilokano. Tinatawag din itong lunar fish dahil lumilitaw lamang ito pagkatapos magbilang ng sampung araw mula sa buong buwan. Ang Ipon, sa Ilocos Sur, ay halos dumarating tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Enero, sa mga bayan ng Santa at Caoayan ng nasabing lalawigan. Kapag lumabas na ang ganitong klaseng isda, maraming Ilocano ang nababaliw panic buying sa palengke at ibinabalik sa ref. Madalas itong lutuin ng mga ilocano sa iba't ibang recipe: sinigang, paksiw, kilawin, ginisa, o kaya naman ay pinatutuyo lang nila ito at madalas na hinahalo sa scrambled eggs. Maaaring nakakatawa ang tunog, ngunit ang 'ipon' ay bahagi na ng kultura at pagkakakilanlan ng mga Ilocano. Mas madalas, kapag lumabas ang isdang ito, ang iyong feed sa social media ay puno ng mga 'ipon' na post at kuwento. Dagdag pa rito, binansagan nila ito bilang 'golden fish' dahil ang presyo nito ay umaabot sa limang daan hanggang anim kada kilo. Ganito ang ibig sabihin ng mga Ilocano na 'ipon' kapag narinig mula sa kanila. Hindi ito upang makatipid ng pera, ngunit ang iba pang paraan sa paligid. Kaya, kung nais mong subukan ang ilan, makipagkaibigan sa isang Ilokano, at hilingin sa kanila na bumili ng isa para sa iyo. Lasa ng ni KRISCHEIN MIELE ANINAG on Ip “ "Ito ang pinakamasarap na pagkain ng mga Ilokano sa Ilocos Sur! May favorful taste ito sa sinigang at pinaksiw!” kuha ni A R KIN A M P A N A S Naimimbag ti empanadami ditoy Ilocos Sur! (Our empanada in Ilocos Sur is the best!) Habang lumalaki, laging binibili ng nanay ko ang empanada na ito pagkatapos ng misa sa Linggo. Mahal ko talaga ang mga buto ng mongo na ito na may longganisa at itlog, na nakabalot sa masa na kulay orange! Ito ang pinaka masarap na produktong Ilocano para sa akin. Ang Empanada ay isang klasikong merienda sa atin. Madali itong matagpuan at maibenta sa mga kalye sa paligid ng heritage city ng Vigan. Sa buong kapuluan, maraming pagkakaiba iba ang meryenda na ito dahil sa mga inobasyon na dala ng mga Ilocano. Ang panlabas na shell ay naglalaman ng magkaparehong mga sangkap ng masa. Isang standard na recipe ng empanada sa Ilocos ang nananawagan ng harina ng bigas, tubig, asin, at langis. Ang mga empanada ng Vigan ay maputla, at ang kanilang masa ay mas manipis, na gumagawa ng isang crisp shell. Hindi tulad ng mga meaty turnovers na naimpluwensyahan ng mga Kastila, ang mga empanadas mula sa Ilocos ay nagtatampok ng mga bahagi ng gulay. Yung taga Vigan ay gumagamit ng shredded cabbage para sa filling nito. Ang ilan ay gumagamit din ng grated green papaya at mung bean sprouts. Ilocos suka na may lasona (pulang sibuyas) ang tradisyonal na pampalasa para sa pampalasa ng mga longganisa na pinalamanan na empanada na ito. Ang fermented, halos alak tulad ng lasa ng suka na ito napakahusay na complements ang bawang karne. Kung masiyahan ka sa init sa iyong pagkain, mag opt para sa spiced na bersyon ng condiment. kuha ni ARKIN AMPANAS
Fleepit Digital © 2021