Para sa Psidium guajava, tinukoy ang mga usbong (udlot) at murang dahon bilang mga bahagi na maaaring gamitin sa tradisyonal na panggamot ng komunidad.
Maaaring nguyain ang mga bahagi nito o pakuluan upang mabuo ang lunas sa singaw at bahagyang pamamaga sa bibig.
Paalala: Hugasan nang mabuti ang mga gagamitin bago nguyain o pakuluan; kung manatili ang problema o hindi gumaling, kumunsulta sa doktor.
Ang dahon ng sabila, lalo na ang laman na gel sa loob, ang karaniwang ginagamit na bahagi.
Maaaring ipahid ang gel sa maliliit na paso, sugat, at iritasyon sa balat, at maaari rin itong gamitin bilang pampalambot at pampakinis ng buhok.
Paalala: Hugasan muna ang dahon bago gamitin, at iwasan ang paglalapat sa malalalim na sugat nang walang payo ng doktor. Itigil ang paggamit kung makaranas ng pangangati o allergy.
Bahaging ginagamit ang dahon ng Hagonoy para sa mga layuning panlabas, lalo na sa maliit na sugat.
Paraan ng paggamit: dinudurog ang sariwanag na dahon at ipapahid sa maliliit na sugat upang makatulong sa pagtigil ng pagdurugo.
Paalala: Hugasan ang dahon bago gamitin; panlabas lamang ang paggamit maliban kung may payo ng eksperto; maaaring pakuluan ang dahon at gamitin bilang panghugas ng sugat. Kumonsulta sa doktor kung malala ang sugat o may impeksiyon.
Ang tanglad ay kinikilala bilang halamang gamot na may dahon at tangkay na karaniwang ginagamit.
Paraan ng paggamit: pinakukuluan ang dahon at tangkay upang gawing tsaa; ginagamit din bilang lunas sa problema ng kabag at pananakit ng tiyan, at malimit din itong gamitin bilang pampalasa sa pagluluto.
Paalala: Huwag sosobra ang pag-inom ng tanglad na tsaa; kumonsulta sa doktor kung buntis o may kasalukuyang iniinom na gamot; hugasan nang mabuti bago gamitin.
Ang Mansanitas ay may dahon, bulaklak, at bunga na ginagamit sa tradisyonal na panggamot.
Dahon at bulaklak: ihanda bilang tsaa sa pamamagitan ng pagsasama ng mga hinugasang dahon o bulaklak sa tubig at pagpapakulo ng 10–15 minuto; inumin upang makatulong pababain ang blood sugar at mapawi ang sakit ng ulo o tiyan.
Bunga: kainin ang matamis at pula nitong prutas bilang suplemento ng antioxidants at bitamina C.
Paalala: uminom ng katamtaman at iwasan ang labis na tsaa para hindi masyadong bumaba ang blood sugar; hugasan mabuti ang bunga bago kainin dahil mabilis itong mabaho o marumi kapag hindi nalinis; hindi ito dapat ipanghalili sa anumang reseta ng doktor.
Malunggay ay kinikilala na may mga bahagi tulad ng dahon, bunga, at butil na ginagamit sa iba't ibang paraan.
Paraan ng paggamit: ihalo ang dahon sa pagkain gaya ng tinola, bulanglang, o monggo upang palakasin ang katawan at makatulong dagdagan ang gatas ng ina; maaaring gawin ang tsaa mula sa sariwa o tuyong dahon para sa regulasyon ng presyon ng dugo at blood sugar.
Paalala: labis na paggamit ng ekstrak mula sa ugat at balat ay ipinagbabawal sa mga buntis dahil maaaring magdulot ng pagkalaglag; iwasan din ang sobrang pag-inom ng tsaa dahil maaari itong magdulot ng pagtatae o pagduduwal; dahil maaaring makaapekto sa presyon at asukal sa dugo, kumonsulta sa doktor kung may kasabay na gamot para sa hypertension o diabetes.