The Paseo_Vol 36, Issue 2_ 20-21-03

The Official Literary Publication of




The Official Literary Publication of

The Philwomenian of PWU VOLUME 36, ISSUE 2 COVID-19 SPECIAL ISSUE AY 2020-2021-03 April to June 2021 ISSN: 2783-0055 (Print) ISSN: 2783-0063 (Online)

The Official Literary Publication of

The Philwomenian

AY 2020-2021 The Philippine Women's University Chief Editor SECTION News Editors Features Editors Sports Editor Filipino Editor Literary Editor Columnists Majella Vinda Therese Ricafranca EDITORS Lucy Felihau & Blessie Binabise Jansen Matthew Santos & Pinda Rika Gyeltshen Christein Joseph Bonus Sheila Mae Dalindin Toyota Cabahug Maria Suzane Agojo Alliyah Gaille Carayao Justine Mae Dayagro Naomi Hongria Kirsten Chloe Lopez Vea Mendelebar Tsomondo Tamuka Cherleen Ella Jasmine Villasoto Cartoonist Graphic Designers Reysther Ashly Abad Ishley Laura Gestiada Princess Jean Coquia Photographer Circulation Manager Mc Aaron Ilag Joel Cahucom II ©2021. ALL RIGHTS RESERVED. No parts of this Issue may be reproduced in any form without prior written permission from the Adviser and the poets. This title is published three times an academic year (first, second, and third trimester). The Philwomenian is looking for writers and Editorial Board members. Interested PWU students may send their application and resume to philwomenian@pwu.edu.ph We thank canva.com for its free graphic design platform. Adviser Full Prof. Dr. Leonardo Munalim, LPT

The Philwomenian

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

COVID Special Issue APRIL TO JUNE 2021 Adviser Full Prof. Dr. Leonardo Munalim, LPT I am delighted to inform the PWU Community that starting this COVID-19 Special Issue of The Paseo, including the upcoming regular Philwomenian issues, these student publications will have their assigned International Standard Serial Numbers (ISSNs) both for print and online versions. As we join the community of writers for global readership, the Editorial Board believes that there is a dire need for ISSN to distinguish our student publications from possible similar titles around the world. For this Issue, I congratulate all of the Board members and the poets for yet another success in this continuing collective endeavor of regular publications. I would like to personally express my gratitude to the two special alumnae Debbie Mijares-Gatan and Regina CorneliaAcuna for their literary contributions. Mrs. Acuna had been Editor In Chief of The Philwomenian from 1979-1980. As we wade through this COVID-19 pandemic, it is my fervent hope that we continue to use language -- prose and creative -- that is capable of healing the sick, pacifying the devastated, and expressing compassion with one another. May we continue to reflect on our actions during this pandemic in service to... God, our country, our brethren, and home.

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

COVID Special Issue APRIL TO JUNE 2021 Chief Editor Majella Vinda Therese Ricafranca This COVID-19 Special Issue of The Paseo brings together a total of 22 poems. It is a juxtaposition of pain, hopes, faith, Bayanihan, and celebration of life during the pandemic. This Issue features 12 poems of undergraduate students; 6 poems of our PWU faculty members; and 4 poems of our dearest alumnae. We would like to thank the faculty members for inviting their students to contribute to this Issue: Assistant Professor Elizabeth Ann Gutierrez and Assistant Professor Jom Caballero. Needless to say, our poems during the pandemic have been indited, and will become part of the soon-to-be 200-year-old PWU. We look forward to publishing your literary pieces for our next issues. Enjoy yourselves reading at the comfort of your homes using the online version of this Issue. Keep safer, Philwomenian! Keep safer, Patriots!

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

COVID Special Issue APRIL TO JUNE 2021 Katatagan Leah Alondra B. Tango Laban, Inang Bayan Cynthia Mae S. Ortiz Lakad Matatag Angelina Marie Apar Katatagan Karmela Mariano Luha ng Matatag Mary Joyce Mangaring Katatagan sa Gitna ng Pandemya Drew Andrei Marie N. Cruz Pag-asa sa Gitna ng Pandemya Lady Mendelyn J. Cataluña Para Kay Tatang Karl Josef Ignacio Pagbabago Leah Kristine B. Aguilar Aking Mahal na Frontliner Mary Rose B. Asong Pandemya Marites S. Dayap Don't Ever Quit Jhon Bert R. Veraya 7 8 9 10 11 12 As You Go Away Dr. Nini F. Lim I Will Bloom Asst.Prof. Mitos Sheila Mahilum-Yun I Know Not Why Dr. Leonardo Munalim The Doorway: An Elegy Asst. Prof. Elizabeth Ann T. Gutierrez Bangon Dr. Anthelma M. Tapang Pag-asa Dr. Anthelma M. Tapang In Adversity Winwyn Gumabon Pagmamahal sa Kabila ng Pandemya Dr. Joanne Delos Reyes-Lobrino 7 Haikus 'in the Time of' COVID Debbie Mijares-Gatan 22 Some Poems Regina Cornelia-Acuna 23 14 15 16 18 21

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

APRIL TO JUNE 2021 COVID Special Issue

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

COVID Special Issue APRIL TO JUNE 2021 KATATAGAN Leah Alondra B. Tango AB-Psychology-III Pinaglalayo-layo tayo ng pandemya Sa paniniyak ng ilang metrong distansya Ubod-takot na mahal sa buhay ay mahawa Bakas sa mata luha’y pumalit sa tuwa. Pagmamahal, pundasyon ng tibay ng dibdib Bukas-matang susuungin kahit ang liblib Inspirasyon ang pamilyang sabik uwiin Sa pakikihamok sa 'di makitang kalaban. LABAN,INANG BAYAN Cynthia Mae S. Ortiz AB-Psychology-III Sa dami ng trahedyang dumating Mga buhay niyang kinitil Ngunit sa bawat hamon at pagkadapa Babangon ng taas noo para sa Bansa. “Mga Pilipino tayo!” Tatlong salitang isinisigaw ng ating puso Sa bawat pagsikat ng araw at paglubog ng buwan Dala nito’y bagong pag-asa para sa Bayan. Pagmamahal sa kapwa ay walang kapantay Kaya’t kapit- bisig natin itong isinasabuhay Kahit tayo ay kapusin ng panahon Tayo ay lalaban, mga Pilipino ay matatapang. Mga Pilipino Umaraw man o Mga Pilipino Lalaban para na matatag at umaahon umulan, di padadaig lumaban ay taas noo kahit kanino sa kinabukasa’t, 'di magpapatalo. THE PHILWOMENIAN  | 7

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

COVID Special Issue APRIL TO JUNE 2021 LAKAD MATATAG Angelina Marie Apar AB-Psychology-III Tayong mga Pilipino’y natural na matatag Sa kahit anong pader kaya nating bumasag, Mga problema kailanma’y 'di inaatrasan Kahit baluktot man o tuwid ang daan. Sa lahat ng sakuna’y ating naranasan Kasiyahan parin ang sagot kadalasan Maging bagyo, baha o lindol man yan Pilipino kami, sakuna ka lamang! Kahit pandemya, Pilipino’y kumakapit parin Gumagawa ng paraan para may makakain Lakad matatag kahit trabaho’y mahirap Lahat gagawin matupad lang ang pangarap. Tibay ng puso ay 'di mahihigitan Kahit anong hamon di aatrasan Pilipino kami, problema lang ‘yan Laging matatag sa hamon ng kapalaran. KATATAGAN Karmela Mariano AB-Psychology-III Nadapa, natapakan, nadungisan, Nalugmok, nalungkot, nawalan. Sa gitna ng sakuna,hahanapin saan man, Pag-asang inanod,puso ay napagod Isang linggo at marami pang mga araw Darating pa ba, simulang tinatanaw? Kahit na sa gabi’y giniginaw Sa umaga’y sisikat din ang araw. Kumapit ka kaibigan Dilim ay may hangganan Sa iyong pag-asam na kinabukasan Lumbay sayo ay lilisan. Nadapa, natapakan, nadungisan Kumapit, bumangon, hinarap ang hamon Sa muling pagkakataon Sa buhay ay palaging babangon. THE PHILWOMENIAN  | 8

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2

COVID Special Issue APRIL TO JUNE 2021 LUHA NG MATATAG Mary Joyce Mangaring AB-Psychology-III Dahil sa nangyayari ngayon sa ating mundo Iba’t ibang uri ng luha ay aking napagtanto: May luhang makikita mo sa pisngi’y pumapatak, May luhang sa isip at puso lumalaganap. May luhang kapag ikaw ay masaya, May luhang kapag ikaw ay naiiyak na talaga. May luhang naipapakita, May luhang ayaw ipahalata ng iba. May luhang parang isang misteryo, May luhang pinapaalam ang buong kwento. May luhang dahil nadala ka lang, May luhang dahil sa tunay mong nararamdaman. Ano mang uri ng luhang, mayroon ka ngayon, Maraming salamat sa patuloy na pagbangon. KATATAGAN SA GITNA NG PANDEMYA Drew Andrei Marie Nogrado Cruz AB-Psychology-III Ang saya, Ang sayang balikan ang mga araw Na wala pa ang pandemya Na nagdulot ng pagka-alarma. Bawat Pilipino’y tila’y nangangapa Ano mang antas sa lipunan ay hindi mapayapa Mahirap man o mayaman, bata man o matanda Ang bawat isa sa atin ay hindi handa. Katatagan, katangian ng Pilipinong mamamayan Katangian na proteksyon sa kapahamakan Tibay ng kalooban ang nagsisilbing sandalan Sa buhay, ang problema’y hindi maiiwasan. Ano ba ang resolba ng pandemyang ating dinaranas? Ang paulit-ulit na tanong ng karamihan Sa araw-araw na pagsubaybay sa lunas Tila’y kinakailangan ang pagsiklab ng Bayanihan na kung saan ay walang maiiwanan Saan mang dako sa ating bansa Kinakailangang tayo’y magtulungan Pademya’y mapagtagumpayan. THE PHILWOMENIAN  | 9

THE PASEO, VOL 36, ISSUE 2



Flipbook Gallery

Magazines Gallery

Catalogs Gallery

Reports Gallery

Flyers Gallery

Portfolios Gallery

Art Gallery

Home


Fleepit Digital © 2021