San Fransico De Dilao Parish 1521 Paz St., Paco, Manila Tel. No. 59-39-13 August 30, 1990 Peace! I am most pleased to endorse the prayer booklet. Family Celebration of the Lord’s Day. I find it a very good help for preparing our families to celebrate meaningfully Sunday, the Lord’s Day, which must always be centered on the Eucharist. The booklet also helps families conclude in their homes what they celebrate with the bigger Christian Community. May this booklet find many users among Christian families, and with its help, may the Lord’s name be sanctified in a special way on his day, so that the rest of the week may likewise be made holy. Congratulations for your worthwhile endeavor! Fraternally, Bishop Teodoro C. Bacani, D. D. Auxillairy Bishop of Manila 1
Ang seremonyang ito ay katulad ng Seremonyang Pang-Sabbath na ginagamit ng mga Pamilyan taga-Israel o Hudyo sa pagsisimula ng Araw ng Panginoon. Ang seremonyang ito’y ginaganap bago maghapunan. Sa salusalong ito, ginagamit natin ang pamamaraan ng mga tagaIsarael sa pagpapasalamat sa Diyos, sa kaniyang mga pagpapala na tinatawag ng “ANG BERAKAH” (Purihin ka, O Panginoon, Hari ng Sanlibutan…) Bilang mga unang kristianong naitatag sa Lumang Tipan, ginagamit ng mga Hudyp ang pamamaraang ito sa pagbabasbas ng kanilang panalangin (Epeso 1:3-14 at Liturhiya. Marahin ay alam din ni Jesus ang ganitong pagbabasbas dahil naririnig Niya ang panalangin at pagbabasbas ni Jose sa tinapay at alak sa Araw ng Sabbath. Si Maria man, na Kaniyang Ina, tulad ng mga babaing Hudyo noong Kaniyang kapanahunan, ay nagsisimula ng pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsisindi at pagbabasbas ng ilaw na Pan-Sabbath. 3
Pagkain sa Araw ng Panginoon Paghahanda ng Pambungad na Seremonya Mga Kailangan: Mesang may puting mantel at mga bulaklak Buklet para sa pagdiriwang ng Araw ng Panginoon Bibliya Kandila Kalis / lagayan ng alak (Wine cup) Alak o Katas ng Ubas Tinapay (loaf) Keso (opsyunal) Nakahandang pagkain para sa hapunan (Bigyan ng kani-kanilang katungkulan ang mga miyembro ng pamilya/sambahayan sa paghahanda para sa seremonya) 4
Ang Pambungad na Seremonya ay kalimitang sinisimulan sa paglubog ng araw tuwing Sabado. Ang Pangwakas ng Seremonya ay ginaganap sa gabi ng susunod na Araw (Linggo). Ang Ulo (Ama) ng Tahanan/samabahan ang dapat mamuno sa seremonya. Ang Babae (Ina) o sinumang itatalaga ang Magsisindi ng kandila Babasa ng pangninilay na panalangin Magbibigay ng tinapay at keso Ang Seremonya ay karaniwang isinasagawa nang nakaupo at nakapaligid sa hapag-kainan. (Kung isinasagawa sa salas ng baha, isang maliit na mesa para sa kandila, alak, tinapay at iba pa, ang dapat ihanda.) May Dalawang Bahagi ang Seremonya Ang Pagsisindi ng Kandila Ang Pagbabasbas ng Pagkain Naaangkop na umawit at sumamba sa Panginoon sa iba’t ibang bahagi ng pagdiriwang. 5
Ang Pagsisindi ng Kandila Awit: (Piliin ang aawitin ayon sa ipinagdiriwang ng panahon) Pagbasa: (Alinman sa mga sumusunod) Juan 1:1-18 Juan 1:1-5 Epeso 1:3-14 Colosas 1:15-20 Namumuno: Diyos ng Sanlibutan, sa karangalan ng iyong Anak, Liwanag ng Daigdig at Maylikha ng Buhay, amin ngayong sisindiahn ang ilaw para sa Araw ng Panginoon, sapagkat nasusulat na “tatawagin Mong kasiya-siya ang Araw ng Panginoon.” Nawa’y maging mabiyaya para sa amin ang pagtupad sa kautusang ito: makamtan naming ang masaganang buhay at makalangit na pagpapala at ana pagpupuspos sa amin ng Iyong Banal na Espiritu. Maawaing Ama, patuloy Mo pong ipagkaloob sa amin ang Iyong pagmamahal. Gawin Mo kaming karapat -dapat na tumahak sa landas ng iyong mga araw at sa tuwina’y maghandog ng walang pag-aalinlangang pag-ibi at paglilingkod. Ilayo Mo kami sa lahat ng hilahil, sa dusa at kalungkutan, at ipagkaloob Mo na ang kapayapaan, liwanag, at kaligayahan ay lagging maging gabay n gaming tahanan, sapagkat Ikaw ang batis ng buhay at sa liwanag Mo ay nakikita naming ang tunay na kaliwanagan. Sagot: Amen. 6
(Ipapatong ng Namumuno ang kaniyang mga kamay sa kandilang wala pang sindi.) Namumuno: Malugod nating tanggapin ang Araw ng Panginoon. Sagot: Tumanglaw nawa sa ating mga puso ang Kaniyang liwanang sa pagsisindi ng kandilang ito. Namumuno: Ang liwanag ang sagisag ng Panginoong Jesus. Sagot: Ang Panginoon ang aking Liwanag at Kaligtasan. Namumuno: Ang liwanag ang sagisag ng Panginoong nasa piling natin. Sagot: Siya ang tunay na Liwanag na tumatanglaw sa bawat nilalang. Namumuno: Ang liwanag ang sagisag ng layunin at daan ng Panginoon. Sagot: Ang salita Niya ay tanglaw ng aking mga paa at liwanag ng aking daraanan. Namumuno: Liwanag ang sagisag ng mismong iniatas sa atin ng Panginoon. Sagot: Ikaw ang Liwanag ng daigdig, Pagningningin mo ang Iyong Liwanag sa mga tao upang Makita nila ang Iyong mga kahanga-hangang gawa at dakilain ang Iyong Ama sa langit. 7
Namumuno: Bilang pag-aalaala sa Panginoong Jesus na pinamumulan ng liwanag at buhay, at kaisa ng lahat nating mga kapatid, mga anghel at mga banal, sinisindihan natin ang kandilang ito. Katulong: (Sisindihan ng babae/asawa o katulong ang Kandila. Pagkatapos, habang nakalahad ang dalawang kamay sa ibabay ng liwanag, darasalin ang sumusunod: Kapuri-puri Ka, O Panginoong Aming Diyos, Hari sa Sansinukob, na nagpala sa amin sa pamamagitan ng iyng mahal na salita at nagturo sa amin upang pagningasin ang liwanag para sa Araw ng Panginoon. Awit: (Light of Christ (Liwanag mo Hesus); Isaias 60; at iba pa) Namumuno: Mapagmahal na Ama, pinagpala Mo ang daidig sa pamamgaitan ng liwanag ng Iyong anak na muling nabuhay, ang Panginoon naming si Jesukristo. Sa pamamagitan Niya, ipinadala Mo ang iyong Banal na Espiritu sa daigdig upang papag-alabin sa amin ang apoy ng iyong pag-ibig. Ipagkaloob Mo sa amin na natitipon sa Kaniyang pangalan, ang samasamang pamumuhay sa liwanag ng katotohanan at nawa’y an gaming pag-ibig sa isa’t isa ay magpatuloy na lumago sa bawat araw. 8
Fleepit Digital © 2021