Twinkl Philippines: Tula





onipiliF gnakiW

Na-aalala niyo pa ba ang hinuha Ng bayani ng mga dukha ‘Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda’ Ating mahalin ang sariling wika Ito ay sandigan ng ating bansa Ipagbunyi natin at huwag ikahiya Nagdadala ito ng dangal at ligaya Muli nating tandaan ang dala nitong saya Hindi ito maiaalis sa puso ng bawat isa Ito’y nakatatak na at nagbibigay halaga Na tayo ay Pilipino at hindi basta-basta - Sophia Nicole T, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph

onipiliF gnakiW

nignalanaP

Ano ang nangyayari na ito? Nagkakagulo ang mundo. Kailan kaya ito matatapos? Problema ng COVID-19 di maubos. Bawal lumabas. Kailang naka-mask. Maghugas ng kamay. Manatili sa bahay. Lahat ay dapat gawin. Lalo na ang manalangin. Sa Diyos na maawain. Para tayo ay dinggin. - Alysse Gabrielle E, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph

nignalanaP

onipiliF gnakiW

Ang wikang Filipino Gamit ng mga tao Sa ating bansa’t sa iyo Kahit saan dumadayo Nagkakaintindihan tayo Mahalagang gamit ito Ikaw, ako sama- sama tayo Mahalin at igalang ito Sa lahat ng oras ninyo Kaya’t ipagdiwang ang Wikang Filipino - Elisha Joy A, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph

onipiliF gnakiW

aylimaP

Ang pagmamahal sa pamilya Ay siyang tungkulin Magulang ‘man o anak Ay sa pag-ibig inimulat Ang pagmamahal sa pamilya Ay mga kalakip sa biyaya Pagpapalain ng Diyos Ang pamumuhay ay payapa Sila’y nagpapaningning ng aking buhay Sa araw-araw nagbibigay ng kulay Sa buhay ko na ito, sila ang gabay Sila ay mga tala sa aking buhay - Unni Ysabelle T, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph

aylimaP

onipiliF gnakiW gnA

Ang wikang Filipino ang aking wika Ang siyang katinabayan ng malayang bansa Hindi lamang ginagamit sa pakikisalamuha Kundi siya ring nagpapakilala ng kultura ng bansa Ang ideya at damdamin ay naipapahayag Pati na rin saloobin ay naibubunyag Siyang nagsisilbing sandata ng bayan At tinig na ating sandalan Ang pagkakaroon ng sariling wika Ay pagpapahiwatig na ako ay malaya Saan mang panig ng aking bansa Wikang Filipino ang siyang aking wika. - Samuel Knowel C, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph

onipiliF gnakiW gnA

yanI gnikA gnA

Simula noong ako’y isinilang, ang aking inay ang bantay Sa aking laging katabi na di ko pa masabi Inay na aking buhay! Na nagbibigay malay Dinggin mo sana ang aking dasal, na sana’y nandito na ang aking inay Nalayo sya para kami ma buhay, na di akalain na may matamlay Hinahanap lagi namin si inay para pasalamatan at bigyan pugay Sa lahat ng ibinibigay nyang kabutihan Para kami panagaralan at pidama ang kanyang pag mamahal Ganyan si inay sa amin! Nawalay na dati’y taon-taon nauwi sa amin bahay Pero dahil sa pandemya, hanap-hanap ka namin inay Di makauwi dahil wala masakyan Hindi lang yan, dahil sa hirap ng buhay Ang aking inay na amin buhay! Kami’y umaasa namatapos na itong hanay Ng sakit na sana ay mawalay, sa mundo’y maging matubay Labanan na tayong lahat Makita ulit at makauwi Ang aking inay - Ma. Lian Ysabelle P, Grade 4 Lorenzo Ruiz De Manila School Twinkl.com.ph

yanI gnikA gnA

nohanaP gnogabakaM as

onipiliF gnakiW gna yahubaM Ako ay Pilipino sa makabagong panahon. Batang Gen Z ang tawag sa amin. Ano nga ba ang dapat natin tangkilikin? Wikang banyaga o wikang Filipino? Sa panahon namin tila nakalimutan na ang paggamit ng sariling wika. Wikang banyaga ang nakasanayang gamitin. Dahil sa impluwensya ng modernong panahon at teknolohiya. Nangangapa sa mga matatalinghagang salitang Filipino. Bilang isang parte ng makabagong henerasyon, Aralin at ipagmalaki natin ang ating wikang pambansa. Mahalin natin ito at tangkilikin. Upang tagumpay ng bukas ay ating makamtam. . Magkakaiba man ang mga wikang katutubo Sa wikang Filipino pa rin tayo magkakaisa. Ito ang magbubuklod sa ating mga Pilipino. Mabuhay ang wikang Filipino sa makabagong panahon. - Zymon Nathaniel A. Grade 4 Lorenzo Ruiz de Manila School Twinkl.com.ph

nohanaP gnogabakaM as

akiW gnobututaK

agm ta onipiliF Sadyang hitik sa yaman ng wika, ang ating bansang Pilipinas, Tagalog, Kapampangan, Ilokano, Ibanag, Pangalato, at Bicolano ng Luzon, Cebuano, Bisaya, Ilonggo, Hiligaynon, at Waray sa Visayas Maranao, Tausug, at Chavacano sa Mindanao mayroon Filipino at mga Katutubong wika, makulay bawat rehiyon. Nakikilala ang lahi sa salitang pinagmulan, Sa wika at kulturang sininop at pinagyaman, Ikaw at ako ay ganap na magkakaintindihan Iba’t – iba man ang katutubong wikang gamit Pagtanggap at pagkakaisa ating makakamit Ating bigyang halaga, wikang pinagmulan, Ipagmalaki, pagyamanin, at dapat pag-ingatan Dahil ito ay susi sa ating pagkakakilanlan At sa lubos nating pagkakaintindihan, Filipino at mga Katutubong wika, susi sa higit nating kaunlaran. - Matthew Dominick SP, Grade 4, Lorenzo Ruiz de Manila School Twinkl.com.ph

akiW gnobututaK



Flipbook Gallery

Magazines Gallery

Catalogs Gallery

Reports Gallery

Flyers Gallery

Portfolios Gallery

Art Gallery

Home


Fleepit Digital © 2021