Pangalan:____________________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________ Petsa: _____________________________ Iskor: ___________ Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang makagamit ng likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes. Samantala ang Imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na imperium na ang ibig sabihin ay command. Ito ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspektong pulitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan. Ang imperyalismo ay naging resulta ng apat na pangunahing salik. Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo, nais ng mga nasyon saEuropa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal na mga bansa. Ikalawa, dulot ng Rebolusyong Industriyal, nangangailangan ng mga hilaw na materyal na pagkukunan at pamilihan na paglalagyan ng mga produktong yari at gawa mula sa kanila. Pangatlo, ang Kapitalismo, isang sistema kung saan mamumuhunan ng kanyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.Pang-apat, ang White Man’s Burden na isinulat ni Rudyard Kipling, isang manunulang Ingles, ipinasailalim sa isang kaisipan ang mga nasasakupan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning bansa. Ang pagtuklas ng alternatibong ruta na natuklasan ng mga Portuges ang nagbigay ng hamon sa iba pang bansang Europeo na maggalugad sa ibang panig ng daigdig. Nariyan ang Spain, Netherlands, France, England, Russia, Germany, at Amerika. Ang mga sumusunod nsman ay nagpapakita kung paano nagbago ang pamumuhay ng mga katutubo sa aspektong pang sosyo-kultural. Maraming Katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo, pagkakaroon ng fixed border, at paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo at pagkakaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magagamit sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 279 Sa iyong Pag-unawa ______1.Tumutukoy sa patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman nito para sa sariling interes. A. Imperyalismo B. Rebolusyon C. Kolonyalismo D. Nasyonalismo
ng imperyalismo? A. Udyok ng Nasyonalismo B. Dulot ng Rebolusyong Industriyal C. Kapitalismo D. Kagustuhang makilala sa buong mundo ______3. Ano ang nagbigay hamon sa iba pang bansang Europeo gaya ng Spain na manggalugad sa iba pang panig ng daigdig? A.Yumayaman ang ibang bansa B. Ang pagkatuklas ng alternatibong ruta ng mga Portugese C. Napag iiwanan na sila lalo na sa estado ng ekonomiya D. Wala na silang mapagkukunan ng likas na yaman. ______4. Tumutukoy sa pagmamahal sa bayan at pagtanggol sa bansa laban sa mga manlulupig na dayuhan. A. Nasyonalismo B. Kolonyalismo C. Imperyalismo D. Demokrasya _______5. Alin sa mga sumusunod ang isa sa epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa pang sosyokultural na aspekto ng Asya? A. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod B. Pag-unlad ng Sistema ng transportasyon at komunikasyon C. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital,paaralan at simbahan D. Nabuo ang mga kilusang nasyonalismo.
Pangalan:____________________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________ Petsa: _____________________________ Iskor: ___________ Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Pag usbong ng Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog at Kanlurang Asya Si Gandhi ay naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangitanging tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng India ang kalayaan. Nakilala siya bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”. Tinuruan niya ang mga mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa). Ipinakilala rin ni Gandhi ang paraang civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na gumawa ng pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles lalo na ang telang negosyo ng mga ito. Isinagawa rin niya ang pag aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya. Si Mohamed Ali Jinnah naman ay nakilala bilang “ Ama ng Pakistan ”, isang abogado at pandaigdigang lider. Siya ang namuno sa Muslim League noong 1905 at layunin ng samahan ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Si Mustafa Kemal Ataturk naman ay hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France na hatiin ang Imperyong Ottoman nang matapos ang digmaan noong 1912. Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging aktibo sa larangan ng politika, siya ay gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel. Si Ibn Saud naman ang kauna unahang hari ng Saudi Arabia. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig si Haring Ibn Saud ay nanatiling neutral ngunit di rin naiwasan na siya ay minsang pumabor sa mga Allies. Hindi siya seryosong nakialam sa Digmaang Arab Israel noong 1948. Pinalitan siya ng kaniyang panganay na anak na si Prince Saud. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 275 Sa iyong Pag-unawa ______ 1.Bakit itinuring o nakilala si Gandhi bilang Mahatma o “Dakilang Kaluluwa”? A. Dahil sa kanyang katangi-tanging tahimik na paraan ng pagtutol upang matamo ang kalayaan ng India B. Dahil marami syang natulungang mga naaapi sa India C. Dahil sya ay ,ay busilak na puso at kalooban
______2. Paano naipakita ng mga Indian ang civil disobedience? A. Nagkaroon ng kaguluhan sa mga kalsada bilang pag-aalsa B. Hinikayat ni Gandhi ang mga Indian na gumawa ng pagboboykot C. Pagsasagawa ng pag-aayuno o hungerstrike D. A at C ______3. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Muslim League na pinamunuan ni Ali Jinnah? A. Manakop ng mga karatig na bansa B. Maging makapangyarihan sa Asya C. Magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim D. Hatiin ang imperyong Ottoman ______4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon? A. Si Mohandas Gandhi ay nagsagawa ng Ahimsa bilang paraan ng pagtutol sa pananakop ng mga Ingles B. Si Ibn Saud ay kilala bilang “Ama ng Pakistan” C. Hindi pumayag si Mustafa sa kasunduan ng Italy at France na hatiin ang Imperyong Ottoman D. Kinilala si Angatollah bilang pinakamabait na lider. ______5. Siya ay nakilala bilang “Ama ng Pakistan”. A.Mohandas Gandhi B. Mohamed Ali Jinnah C.Mustafa Kemal Ataturk D. Ibn Saud
Pangalan:____________________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________ Petsa: _____________________________ Iskor: ___________ Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Digmaang Pandaigdig Ang digmaan ay isang madilim na bahagi ng ating kasaysayan. Ngunit ang digmaan din ang naging dahilan upang matutong pahalagahan ng mga Asyano ang kanilang sariling bansa. Noong Agosto 1914 sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sinasabing ang pangunahing dahilan nito ay ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria. Ito ay kinasangkutan ng mga makapangyarihang mga bansa sa mundo na nahati sa dalawang alyansa; ang Alyansa ng Entente (Triple Entente o Alyansa ng Puwersa) na kinabibilangan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Imperyong Pranses (Pransiya). Samantala ang Alyansang Sentral ( Tripple Aliance or Central Power) ay binubuo din ng tatlo; ang Imperyong Aleman, Austria-Unggarya at Italya. Tumagal ang Unang Digmaan Pandaigdig ng mahigit tatlong taon. Ang Treaty of Versailles ang naging kasunduan ng Allied Forces at Central Powers para sa pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ilan sa mga positibong epekto ng Unang Digmaan sa Timog Asya ay umusbong ang mga kilusang Nasyonalismo sa bansang India, nagkaroon ng pagkakaisa at pagtangkilik ng mga mamamamayan sa produkto at lutura ng sariling bansa, nagkaroon ng pagkakaisa ang kilusang Muslim at Hindu at maraming makabayang samahan ang naitatag. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula sa Europa sa pagsakop ni Adolf Hitler sa bansang Poland. Tumagal ang digmaang ito ng anim na taon. Itinuturing itong pinakamapinsala at pinakamadugong digmaan sa kasaysayan. Maraming mga bansa ang nawasak dulot ng digmaang ito. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 227 Sa iyong Pag-unawa ______1. Ito ay nagsimula sa pagsakop ni Adolf Hitler at itinuturing na pinakamapinsala at pinakamadugong digmaan. A. Unang Digmaang Pandaigdig B. Ikalawang Digmaang Pandaigdig C. Digmaang Peloponnesian D. Digmaang Thermopylae ______2. Alin sa mga sumusunod ang maling pahayag tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig? A. Ang pangunahing dahilan ng pagsiklab nito ay ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand B. Ito ay kinasangkutan ng dalawang alyansa; Alyansa ng Entente at Alyansang Sentral C. Ito ay tumagal ng anim na taon.
______3. Nagbigay daan upang magkaisa ang pangkat ng mga Hindu at Muslim noong Unang Digmaang Pandaigdig. A. Nasyonalismo B. Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Rebolusyon ______4. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto ng Unang Digmaan sa Timog Asya? A. Nagkaroon ng pagkakaisa ang Kilusang Muslim at Hindu B. Nailunsad ang Balfour Declaration C. Maraming mga sibilyan at military ang namatay D. Nagkaroon ng malawakang pagkasira ng lupain at ari-arian ______5. Ito ay isang kasunduan ng Allied Forces at Central Powers para sa pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. A. Treaty of Venice B. Treaty of Versailles C. Treaty of Paris D. Treaty of US
Pangalan:____________________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________ Petsa: _____________________________ Iskor: ___________ Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Ibat-ibang Ideolohiya sa mga Malawakang Kilusang Nasyonalista Isa ang Pilipinas sa mga bansang yumakap sa ideolohiyang demokrasya. Tayong mga Pilipino ay malayang nakikilahok sa mga aktibidades o gawaing panlipunan at may kalayaan din na iboto ang kung sino ang gusto natin magiging pinuno. Ang Ideolohiya ay tumutukoy sa paniniwala o kaisipan ng mga mamamayan sa isang bansa. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang kategorya; ang Ideolohiyang Pangekonomiya at ang Ideolohiyang Pampolitika. Ang ilan sa mga halimbawa ng ideolohiyang pang ekonomiya ay ang mga sumusunod: Nakapaloob dito ang karapatang makapagnegosyo, binibigyang halaga ang pag iimpok at binibigyang pansin ang patakarang pangkabuhayan. May ibat-ibang ideolohiya ang lumaganap sa Asya. Demokrasya- ito ay isang klase ng ideolohiya na pinamamahalaan ng samabayanan. Ang tao ang pumipili ng kanilang gustong maging lider at pangulo. Komunismo- Layunin ng ideolohiyang ito ang pagpantay-pantayin ang lahat ng tao, mayaman man o mahirap. Sosyalismo- Ito ay nagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay, pagtutulungan, at makataong pamamalakad. Kapitalismo- Tumutukoy sa sistemang pag-iipong kapital upang higit na mapalago at mapalaki ang negosyo at tubo ng mga namumuhunan. Pasismo- ito ay nagtataguyod ng awtoritaryang pamahalaan Monarkiya- Ang kapangyarihan ay nasa kamay lamang ng isang tao na tinatawag na hari o reyna. Ilan sa mga Nasyonalistang lider sa Timog at Kanlurang Asya sina Ibn Saud na kinilala bilang kauna unahang Hari ng Saudi Arabia at Ayatolla Khomeini na nagsimulang maging aktibo sa larangan ng politika noong 1962. Dahil sa pagbatikos niya sa tahasang pagpanig at pangangalaga ng Shah sa interes ng mga dayuhan tulad ng United States, siya ay pinatapon sa iba’t ibang bansa tulad ng Turkey at Iran. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 256 Sa iyong Pag-unawa ______1. Tumutukoy sa paniniwala o kaisipan ng mga mamamayan sa isang bansa. A. Ideolohiya B. Pananaw C. Prinsipyo D. Relihiyon
na Hari o Reyna A. Monarkiya B. Kapitalismo C. Komunismo D. Demokrasya ______3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ideolohiyang pang ekonomiya? A. Hinihikayat ang mga tao na kumilos ayon sa nais nilang mga pagbabagong kaayusan B. Nakapaloob dito ang karapatang makapagnegosyo C. Binibigyan halaga ang pag-iimpok D. Binibigyang pansin ang patakarang pangkabuhayan ______4. Siya ang kauna unahang hari ng Saudi Arabia. A. Ibn Saud B. Mohandas Gandhi C. Mohamed Ali Jinnah D. Ayatollah Khomeini ______5. Bakit ipinatapon sa ibat-ibang bansa tulad ng Turkey at Iran si Ayatollah? A. Dahil sa pagbatikos nya sa tahasang pagpanig at pangangalaga ng Shah sa interes ng dayuhan B. Dahil inihayag niya ang sarili bilang hari C. Dahil sya ay nanghikayat ng civil disobedience D. Isinulong niya ang paghihiwalay ng estado ng Muslim at Hindu.
Pangalan:____________________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________ Petsa: _____________________________ Iskor: ___________ Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Ibat-Ibang Aspekto ng Pamumuhay Ang relihiyon ay tumutukoy sa mga paniniwala na may kaugnayan sa sanhi, kalikasan at dahilan ng sansinukob na may kinalaman sa paglikha ng tao. Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano. Nakaapekto rin ito sa pananaw, gawain at paraan ng pamumuhay ng tao gayundin sa kasaysayan. Alam natin na ang mga pangunahing relihiyon at pilosopiya sa mundo ay nagmula sa Asya. May malaking bahaging ginagampanan ang relihiyon sa pamumuhay na mayroon ang mga Asyano sa kasalukuyan Ang ilan sa mga halimbawa ng tradisyon ng India na hanggang ngayon ay ginagawa ay ang ang Sati o Suttee na pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kaniyang pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay. Itinuturing itong isa sa mga tradisyon ng Hindu na patuloy pa ring isinasagawa sa ibang pangkat ng tao sa India. Sa Saudi Arabia naman ay talamak pa rin ang diskriminasyong nararanasan ng kababaihan sa mga bansang Arabo at patuloy at nanatili pa rin ito sa kasalukuyan. Ilan sa mga diskriminasyon laban sa kababaihan sa lipunang Arabo ay ang usaping ukol sa kasal, pinapayagan ang lalaki na magkaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine sa kondisyon kailangan niya itong mapakain lahat at matrato nang pantay. Wala ring kahirap- hirap sa panig ng lalaki na makipagdiborsyo sa kaniyang asawa. Tungkol naman sa karapatan sa mga anak matapos ang diborsyo, mananatili ang batang lalaki sa pangangalaga ng ama mula sa una hanggang pitong taong gulang, ang batang babae naman ay kailangang umabot muna sa 9 na taong gulang bago siya mapunta sa kaniyang ama. Ang ina na magdedesisyon ng muling pag- aasawa na hindi pa tapos ang panahon. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 276 Sa iyong Pag-unawa ______1. Tumutukoy sa mga paniniwala na may kaugnayan sa sanhi, kalikasan, at dahilan ng sansinukob na may kinalaman sa paglikha ng tao. A. Ideolohiya B. Prinsipyo C. Relihiyon D. Dignidad ______2. Paano isinasagawa ang Sati o Suttee? A. Pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation B. Pagsayaw para sa namatay na asawa C. Hindi pag kain sa loob ng isang araw
Fleepit Digital © 2021