Department of Education Region 02 (Cagayan Valley) SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA Alicia East District 300500 - ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL Paddad, Alicia, Isabela 3306 ((078) 3246816 / 09176342778 / *alicianationalhs300500@gmail.com Panukat sa Pagbasa Filipino 7-INTERVENTION Pangalan:____________________________________ Petsa: _____________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Iskor: ___________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Alamat ni Maria Makiling Ni: Jose P. Santos Sa lalawigan ng Laguna, naniniwala ang mga tao na sa bundok ng Makiling ay naninirahan ang isang magandanga diwatang nag ngangalang Mariang Makiling. Ayon sa kwento ng mga matatanda, ang Laguna ay pinamumunuan ng dalawang bathala, sina Dayang Makiling at Gat Panahon. Ang mga bathalang ito raw ay mayroong magandang anak na dalaga na pinangalanan nilang Mariang Makiling. Dahil sa kanyang angking kagandahan at kabaitan, si Maria ay siyang tanging lakas at ligaya ng kanyang mga magulang. Nang pumanaw ang kanyang mga magulang, kay Mariang Makiling naiwan ang pamumuno ng nasabing lalawigan. Kaiba sa mga naunang mga bathala, si Mariang Makiling ay nagpapakita sa kanyang mga nasasakupan. Tuwing umaga ng tiyangge, bumababa siya sa bundok Makiling at nakikihalu-bilo sa mga taumbayan. Kasama ng dalawang katulong na mga katutubo, namimili sila ng mga kagamitan at ang ipinamamalit ay mga gintong piraso ng luya. Totoong napakabuti niya sa mga mamamayan doon. Ang bundok na kanyang tinatahanan, na sagana sa mga gulay at bungang-kahoy ay bukas para sa ibig mamitas doon. Pati na ang mga ibon at hayup sa gubat ay siyang paraiso ng mga mangangaso. Handa rin siyang tumulong sa mga nangangailangan. Tulad ng kanyang ina, namumudmod siya ng mga ginintuang luya sa bakuran ng mg taong nasa gipit na kalagayan. Sa mga ikakasal, nagpapahiram siya o nagbibigay ng mga bagay na hindi nila makayang bilhin, tulad ng mga malasutlang damit pangkasal o mga kasangkapan para sa kasalan. Anupat napakabait ni Mariang Makiling sa kanyang mga nasasakupan.
ipinagkaloob sa kanila ni Mariang Makiling. Karamihan sa kanilay di man lamang marunong tumanaw ng utang na loob. Walang patumangga nilang inabuso ang kagubatan ng bundok Makiling sa pagkakaingin at sa pagpatay nang walang habas sa mga ibon at hayup na naninirahan doon. Dahil dito, nagalit si Mariang Makiling at pinagbawalan na ang taong mangaso o mamitas ng mga gulay at prutas sa naturang bundok. Sa anumang pagkakamali o pagsuway sa kanyang mga utos, pinadidilim niya ang kalangitan kaalinsabay ng dumaragundong na kulog at matatalim na kidlat at nagaalimpuyong bagyo. At higit sa lahat, hindi na siya bumaba ng bundok Makiling para makisalamuha sa mga mamamayan doon.Sa ngayon, ang tanging matatamis na alaala na lamang ng panahong si Mariang Makiling ay nagpapakita sa tao ang naiwan sa mga taumbayan ng Laguna. Subalit may ilan pa rin ang nagsasabing, kapag kabilugan ng buwan, makikita raw ang isang napakagandang babaing may mahabat maitim na buhok at matamis na umaawit sa madawag na kagubatan ng bundok Makiling. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita:423 Sanggunian: http://mgakwentongpambata.blogspot.com/2020/11/alamat-ni-maria-makiling.html Sa iyong Pag-unawa ______1.Sino ang pangunahing tauhan sa akdang binasa? A.Mariang Makiling B. Dayang Makiling C.Gat Panahon D. Magayon ______2. Saan matatagpuan ang Bundok Makiling? A.Sa Bicol B. Sa Maynila C. Sa Albay D. Sa Laguna ______3. Bakit sinabing kaiba sa mga naunang bathala si Mariang Makiling? A. Dahil siya ay mas mabait kaysa sa mga ito B. Dahil siya ay mas mapagbigay kaysa mga ito C. Dahil siya lang ang tanging nakisasalamuha sa mga tao D. Dahil siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat ______4. Paano mailalarawan si Mariang makiling bilang isang pinuno? A. Siya ay may busilak na puso sa lahat ngunit marunong din magalit sa mga nagkasala B. Siya ay may busilak na puso at hindi marunong magalit C. Nais niyang siya lamang ang sinusunod ng lahat D. Makasarili sa lahat ______5 Ang lahat ay dahilan kung bakit nagalit si Mariang Makiling sa tao maliban sa ______. A.Di marunong tumanaw ng utang na loob ang mga tao B.Patuloy na pang-aabuso sa kalikasan ng mga tao C. Pagpatay ng mga tao sa mga hayop nang di naayon sa batay D. Paghingi ng tulong kay Mariang Makiling sa tuwing sila ay nangangailangan.
Department of Education Region 02 (Cagayan Valley) SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA Alicia East District 300500 - ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL Paddad, Alicia, Isabela 3306 ((078) 3246816 / 09176342778 / *alicianationalhs300500@gmail.com Panukat sa Pagbasa Filipino 7-INTERVENTION Pangalan:____________________________________ Petsa: _____________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Iskor: ___________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan “Ang Ningning at Ang Liwanag” isinulat ni: Dimas-Ilaw (Emilio Jacinto) Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag. Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita. Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman
pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran. Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin. MapaLad ang araw ng Liwanag! Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 379 Sanggunian: http://emiliojacintoon2014.blogspot.com/p/ang-ningnig.html Sa iyong Pag-unawa ______1.Sino ang sumulat ng akdang “Ang Ningning at ang Liwanag”? A. Emilio Jacinto B.Andres Bonfacio C. Emilio Aguinaldo D. Jose Rizal ______2.Ano ang ibig sabihin ng liwanag sa akda? A. Sinag ng araw B. Mabuting gawa C.Materyal na bagay D. Kislap ______3. Bakit nasabing ang ningning ay madaya ayon sa may akda? A. Dahil wala itong liwanag na maaari natin gamitin sa paglalakad B. Dahil hindi lahat ng kumikinang ay totoo C. Dahil nagpapakita ito ng totoong halaga ng buhay D. Dahil nakakasakit ito sa mata ______4. Ano ang nais ipahiwatig ng may akda? A. Huwag tayong magpapasilaw sa materyal na bagay kundi piliin natin ang mga mabuting gawa B. Matuto tayong humarap sa hamon ng buhay C. Piliin nating gumanda ang ating buhay para sa hinaharap D. Patuloy tayong tumingala sa mga nakatataas ______5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng liwanag? A. Bumili ng mga magagarang kasuotan
C. Tumulong sa mga nangangailangan kahit walang kapalit D. Magbigay sa mga mahihirap at ipagmayabang Republic of the Philippines Department of Education Region 02 (Cagayan Valley) SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA Alicia East District 300500 - ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL Paddad, Alicia, Isabela 3306 ((078) 3246816 / 09176342778 / *alicianationalhs300500@gmail.com Panukat sa Pagbasa Filipino 7-INTERVENTION Pangalan:____________________________________ Petsa: _____________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Iskor: ___________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Yumayapos ang Takipsilim Genoveva Edroza Matute Isang matanda ang bida ng kuwento at mayroon itong dalawang anak, ang panganay na si Ramon at Rey. May kaniya-kaniyang pamilya na ang mga anak niya. Si Ramon ay may asawang si Carmen at may anak sila na si Lydia. Si Rey naman ay may asawa rin at may anak na si Odet. Isang araw, kinausap ng apong(ang kaniyang lola) si Lydia. Tinanong ito kung totoo bang aalis na ang kaniyang lola at titira na sa kaniyang Tito Rey. Malapit ang bata sa kaniyang lola kaya ayaw nitong malayo sa matanda. Sinabi naman ng matanda na nakasakay sa upuang de gulong na hindi raw siya aalis. Kinabukasan, kinausap siya ng anak na si Ramon. Sinabi nito na magbabakasyon lamang ang ina sa kaniyang anak na si Rey dahil nananabik na ito sa ina na matagal na ring hindi siya nakakasama. Dumating na si Rey sa bahay ni Ramon upang sunduin ang ina. Bago kunin ang matanda, nag-usap ang magkapatid sa isang bahagi ng bahay na malayo sa ina. Ngunit hindi nila batid na sinundan sila ng matanda. Narinig nito ang pag-uusap nina Rey at Ramon tungkol sa ina na hindi naman nila gustong alagaan. Pagod na si Ramon habang ayaw naman ni Rey. Nalungkot ang matanda ngunit
Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita: 213 Sanggunian: https://www.panitikan.com.ph/yumayapos-ang-takipsilim-buod Sa iyong Pag-unawa _______1.Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kwento? A.Carmen, Lydia at Rey B.Ramon, Rey at Lydia C.Ang matanda, Ramon at Rey D.Lahat ng nabanggit _______2.Saan tumira ng matagal ang matanda? A.Sa bahay nila Rey C.Sa bahay ng kanyang asawa B.Sa bahay nila Ramon D.Wala sa nabanggit _______3.Bakit ayaw ng matanda umalis sa bahay ng isa niyang anak? A.Napamahal ang kanyang mga apo sa kanya B.Nahirapan na siyang maglakad C.Mabilis na siyang mapagod D.Lahat ng nabanggit ay tama ________4.Bakit ipinaliwanag ng isang anak ng matanda na siya lamang ay magbabakasyon kahit ang totoo ay iiwan siya sa kanyang isa pang anak? A.Pagod na si Rey B.Pagod na si Ramon C.Ayaw magalaga ni Rey D.Ayaw magalaga ni Ramon ________5.Bakit nahirapang magalaga ang anak ng matanda sa kalagayan niya? A.Siya ay matanda na C.Siya ay nagbago ng ugali B.Siya ay nakaupo na sa upuang de gulong D.Tama ang a at b
Department of Education Region 02 (Cagayan Valley) SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA Alicia East District 300500 - ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL Paddad, Alicia, Isabela 3306 ((078) 3246816 / 09176342778 / *alicianationalhs300500@gmail.com Panukat sa Pagbasa Filipino 7-INTERVENTION Pangalan:____________________________________ Petsa: _____________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Iskor: ___________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Kaalamang-Bayan Maituturing na isa sa pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Batay sa Kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong paraan. Katunayan, ang mga salawikain at kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino noong unang panahon. Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan.” Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de gulong, bugtong palaisipan at iba pang kaalamang-bayan. Laganap ito sa buong kapuluan bago pa dumating ang mga kastila at nagpapahayag ng mga hilig ng damdamin at kaisipan ng ating mga ninuno na dapat nating pahalagahan sa kasalukuyan. Tulang/Awiting Panudyo ay isang akdang patula na kadalasang may layuning manlibak, manukso o
kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan. Bugtong Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Bininibigkas ito nang patula at kalimitang maikli lamang.Palaisipan ito naman ay nasa anyong tuluyan. Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isangb lugar. Lebel: Grade 7 Bilang ng mga salita:213 Sanggunian: Erlinda M. Santiago, Panitikang Filipino Sa iyong Pag-unawa ______1.Maituturing na isa sa pinaka matandang sining sa kulturang Pilipino. A.Tula B. awit C.dulaan D. sayaw ______2. Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. A. awiting panudyo B.bugtong C. tugmang de-gulong D. palaisipan ______3. Sa iyong palagay, bakit nabuo ang mga kaalamang-bayan? Dahil sa likas na pagiging makata ng mga Pilipino B. Dahil sa impluwensya ng mga nanakop sa ating bansa C. Dahil sa hindi pagkahilig sa ibang sining maliban sa tula D. Wala sa nabanggit A. ______4. Ang mga sumusunod ay Kaalamang-bayan maliban sa A. bugtong B. palaisipan C. tugmang de-gulong D. Alamat _______5. Ano ang kahalagahan ng kaalamang-bayan? A. B. C. D. Ito ay nagpapakita ng kultura tradisyon kalagayan ng lipunan sa iba’t ibang panahon Ito ay sumasalamin sa pagiging makata ng ating mga ninuno Ito ay patunay na mayaman ang panitikang Pilipino Lahat ng nabanggit.
Department of Education Region 02 (Cagayan Valley) SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA Alicia East District 300500 - ALICIA NATIONAL HIGH SCHOOL Paddad, Alicia, Isabela 3306 ((078) 3246816 / 09176342778 / *alicianationalhs300500@gmail.com Panukat sa Pagbasa Filipino 7-INTERVENTION Pangalan:____________________________________ Petsa: _____________________________ Bilang at Pangkat: __________________ Iskor: ___________ Oras ng Pagsisimula ng Pagbasa: __________Oras Pagkatapos ng Pagbasa: ___________ Panuto: Basahin ang seleksyon. Pagkatapos Sagutan ang sumusunod na mga katanungan Si Mangita at Si Larina Maraming taon na ang lumipas mula ng manirahan ang isang mangingisda sa pampang ng Laguna de Bai. Mayroon siyang dalawang anak. Si Mangita at Larina. Ang dalawang dalaga ay parehas na napakaganda. Si Mangita ay kayumanging kaligatan at ang kanyang buhok ay itim na itim. Siya ay isang mabait na dalaga na mahal ng lahat, siya ang katulong ng ama sa pagtatahi ng lambat nito. Si Larina ay maputi naman. Siya ay mayroong manilaw nilaw na buhok. Siya ay isang tamad na dalaga, na walang ginawa kundi magsuklay ng kanyang buhok, isa din siyang malupit sa mga paru-paro. Dahil sa kanyang masamang pag-uugali kung kaya hindi siya gusto ng mga tao. Isang araw mayroong dumating na pulubi sa kanilang bakuran na humihingi ng makakain. Ngunit ito ay tinulak at sinigawan ni Larina. Natumba ang matanda at nasugatan. Nang marinig ni Mangita ang ingay ay agad siyang pumunta. Doon nakita niya ang matandang pulubi na sugatan, ito ay kanyang ginamot at binigyan ng makakain. Sinabi ng pulubi kay Mangita na di niya makakalimutan ang tulong na binigay nito sa kanya at ito ay umalis na. Pagkaraan ng ilang taon ang kanilang ama ay namatay dahil sa sakit na lumalaganap. Si Mangita ay
Fleepit Digital © 2021