Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna MISYON Ang LSPU, na iginigiya ng isang progresibong pamumuno, ay nangungunang institusyon na nagbibigay ng teknolohiyang pang-agrikultura, pangingisda at iba pang kaugnay at umuusbong na larangan na makabuluhang nagbabahagi sa paglago at pag-unlad ng rehiyon at bansa.
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna BISYON Ang Laguna State Polytechnic University ay sentro ng mga pagbabagong- likhang teknolohikal na nagtataguyod ng pag-aaral sa iba’t ibang larangan ng pagkatuto, pagpapanatili sa paggamit ng mga mapagkukunang-yaman, nakikiisa at nakikipag-ugnayan sa pamayanan at iba pang nasasakupan nito.
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna LSPU Hymn Lyrics: Romeo de Rosas Music: Genaro Acelajado Intro: Oh dearest Alma, Mater, LSPU evermore Our source of knowledge, like a star Leading, making us all go far In our vocations, fields of works You guide us to our goals We’ll live to serve our people, we’ll do the best we can For our love ones and our country Progressive, free!
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna Finale: Our dearest LSPU, our guiding star to success, Our dearest LSPU, our guiding star to success!
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna Salin ng Piling kabanata sa filipino ng student handbook 2021
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna Kabanata VI Artikulo 4: Kaugalian at KagandahangAsal Ang mga sumusunod ay hindi pinapahintulutan o lubos na ipinagbabawal para sa mga mag-aaral na lalaki at babae. Seksyon 1. Mga Uniporme sa Paaralan 1.1. Ang itinakdang uniporme ay dapat isuot sa lahat ng oras ng klase at ang tamang uniporme para sa field/laboratory o angkop na kasuotan para sa field/laboratory activities at/o ayon sa itinakda ng tagapagturo o mga propesor na nangunguna. Ang sinumang magaaral na lumabag sa probisyong ito ay hindi papayagang pumasok sa mga pintuan ng Pamantasan maliban kung mayroon itong ipapakita na promisory note o liham ng komunikasyon mula sa Office of Student
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna Affairs and Services (OSAS) sa pamamagitan ng Student Discipline Coordinator. 1.2. Ang uniporme sa P.E. ay dapat isuot lamang tuwing may klase sa P.E. Ang mga mag-aaral na naka-P.E. ay hindi papayagang pumasok sa mga akademikong klase. 1.3. Ang University t-shirt ay dapat isuot tuwing Miyerkules habang ang department shirt ay dapat isuot tuwing Biyernes. Ang blue jeans at/o maong trouser (pantalon) na sumusunod sa dress code ay tatanggapin. Ang pagsusuot ng hindi angkop na kasuotang pampamantasan ay ituturing na isang maliit na paglabag tuwing washday o araw ng paglalaba (Miyerkules at inter-semestral na mga klase). Ang mga sumusunod na kasuotan o damit ay lubos na ipinagbabawal sa loob ng pamantasan: 1.3.1. Shorts/short pants 1.3.2. Walking shorts, cycling shorts 1.3.3. Pedal pusher na pantalon 1.3.4. Capri pants
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna 1.3.5. "Puruntong" style o Cargo shorts 1.3.6. Mutilated/Jazzed na pantalon 1.3.7. Kupas, punit, o kulubot na mga damit 1.3.8. Jogging pants/ Jogger pants 1.3.9. Maikling palda o mini-skirt 1.3.10. Walang manggas, likod na walang takip, venus de milo neck (may isang strap), spaghetting damit at blusa 1.3.11. Sando o kahit anong uri ng sando na walang manggas 1.3.12. Plunging necklines/halter tops 1.3.13. Leggings 1.3.14. Tsinelas Paalala: Ang mga pantalon para sa mga babae ay dapat na slacks o may maluwag na hugis, hindi gawa sa maong at hindi masyadong masikip. 1.4. Ang mga uniporme para sa organisasyon ay dapat isuot lamang sa partikular na okasyon (parada, kompetisyon, seminar, pagsasanay, workshop, kumperensya).
Laguna State Polytechnic University Lalawigan ng Laguna 1.5. Para sa On-Campus/Off-Campus Trainings, dapat may opisyal na estilo at kulay ng uniporme para sa mga mag-aaral na sasailalim sa OJT/praktika/internship/practice teaching, kaya kung sakaling magpapalit ng uniporme, ang Business Affairs Office kasama ang Office of Student Affairs and Services ay dapat alam ang ganitong pagbabago. Seksyon 2. Estilo ng Buhok/Hair-cut Ang mga sumusunod ipinagbabawal sa unibersidad: ay 2.1. Ang may kulay/tinted/kinulayan nang naiiba (hindi karaniwan) ang istilo ng buhok ay hindi isang pang-akademikong pangangailangan; (Ang pagtitina ng buhok at pagkukulay ng buhok para sa mga lalaki at babae ay pinapayagan sa isang minimal na antas ng estetiko at naaangkop na mga personal na pangangailangan lamang sa
Fleepit Digital © 2021